Showing posts with label PEP. Show all posts
Showing posts with label PEP. Show all posts

Saturday, October 13, 2012

Willie Revillame, ikinuwento ang surprise visit niya kay Joey de Leon sa Startalk


Masayang ikinuwento ng television host na si Willie Revillame ang pagpunta niya sa bakuran ng GMA 7 para personal na batiin at ibigay ang regalo niya kay Joey de Leon na nagdiwang ng kaarawan sa showbiz talk show na Startalk TX nitong Sabado.

Sa artikulong isinulat ni Jojo Gabinete na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP), sinabing ikinuwento ni Willie sa kanyang programang Wil Time Bigtime sa TV5 nitong Sabado ng gabi ang masaya niyang karanasan sa pagbisita sa Startalk.

Pinalakpakan at pinuri rin ni Willie ang kabaitan at mainit na pagtanggap sa kanya ng mga empleyado sa Kapuso station. (Basahin: Joey de Leon, sinurpresa ni Willie Revillame sa bakuran ng GMA-7)

Dahil hindi dapat malaman ni Joey na darating siya, sinabi ni Willie na itinago siya sa control booth. Habang nagtatago, panay umano ang pagkuha nila ng litrato ng mga empleyado at staff ng Startalk.

“Palakpakan natin ang staff ng GMA, walang competition, walang personalan," ayon kay Willie. “Yung mga technical nila, yung mga director, yung mga writers. At pagpasok ko sa studio ng Startalk, nagulat… parang hindi makapaniwala na ako, e, nandoon sa GMA."

Ayon pa kay Willie, nagpaalam siya sa mga boss niya sa TV5 bago magpunta sa bakuran ng GMA-7 at pinayagan naman siya.

“GMA-7, salamat po! Atty. Ray Espinosa, Boss Bobby [Barreiro], salamat pinayagan ninyo ako. Siyempre, magpapaalam ka muna sa mga boss mo," kwento pa ni Willie.

Una rito, sinabi ni Joey na pambihirang pagkakataon ang papunta ni Willie sa show na tinawag niyang kaibigan at little brother. - FRJ, GMA News

source: gmanetwork.com

Saturday, September 29, 2012

Rhian Addresses Issue Involving Geneva


MANILA, Philippines – Rhian Ramos has dismissed allegations that ardent admirer KC Montero’s ex-wife Geneva Cruz does not seem too happy about answering questions pertaining to the TV host-DJ’s current love life.

“I doubt it. Because she’s not that kind of person,” Rhian told PEP in an interview posted on Sept. 29.

The rumor appears to be in contrast to previous reports where Geneva has expressed happiness for Rhian and KC, even telling the young actress through a message she texted to Yahoo! OMG Philippines a little over three months ago —which they, in turn, quoted in an article—to love and care for her former flame.

KC and Geneva parted ways in 2010, while Rhian admitted to “exclusively dating” the former VJ just this June.

Meantime, Rhian hopes to get the approval of KC’s US-based mom, with whom she was able to spend time during the latter’s recent visit to the Philippines.

“Actually, hindi ko naman talaga alam kung boto ba siya o hindi. Pero ano…sana naman! And I would be very thankful naman kung… hopefully naman ay gusto rin niya ako,” she was quoted as saying.

Meanwhile, Rhian said that her mother has nothing against KC although both of them are proceeding with caution regarding her current relationship.

“Maiintindihan mo naman ‘yung mom ko, she’s just trying to be careful, especially, with me.  Pareho lang naman kami. We’re trying our best to be very careful na. At the same time, ayaw din naman namin na sa sobrang careful namin, maging sobrang unfair na kami sa tao. So we’re just trying to be fair.

“Pero ano… wala naman kaming nakikitang masama, e.  Lalo na ako, wala akong nakikitang masama,” said she.

In any case Rhian seems content with the way things are, and that she’s “super!” happy with her special relationship with KC.

source: mb.com.ph

Derek Ramsay Finds A New Girl?


MANILA, Philippines – Several months after his split with Angelica Panganiban, Derek Ramsay has purportedly found a new love in a non-showbiz girl.

The Fil-British actor-host has even supposedly introduced his new squeeze to his parents, reported “Ang Latest” on Sept. 29.

However, Derek begged off on making any comments regarding the rumors in a recent interview. PEP nevertheless quoted him to have said, “I am happy.”

The TV5 talent expressed his wish for his next relationship to be with a non-showbiz girl, as well as for such private matters to be kept away from the spotlight. He has apparently learned from his high profile relationship with Angelica, in which they had to endure a string of controversies in the six years they were together.

Meanwhile, Derek has also happily related with PEP that he has resumed communication with the comedienne-actress “through email.”

He adds, “We communicate, but we’re both busy with our schedules.  Tapos na ito, seven months na ito. We’re both happy, she’s happy,” said he.

Angelica is rumored to be in a relationship with John Lloyd Cruz.

Although they now lead separate lives, Derek assured in his interview with “Ang Latest” that, “Ang friendship namin ni Angel started six years ago, and until now magkaibigan kami.”

Their recent brief Twitter correspondence after Angelica has won Best Supporting Actress at the 60th FAMAS Awards also seems to be another proof that they are on better terms now.

“When I found out the news, first thing I did was… tweet her. Like I said, we don’t hold anything against each other. So I congratulated her and she said thank you,” Derek recalled.

Derek is busy these days with his projects with TV5, namely the series “Kidlat” and the reality show, “The Amazing Race Philippines.”

source: mb.com.ph

Sunday, September 16, 2012

Gwen Zamora not in a hurry to land lead role


"I feel that wala pa akong right to make demands."

Tila nalilinya ngayon ang Kapuso actress na si Gwen Zamora sa kontrabida roles.

Huling napanood si Gwen sa Biritera kunsaan naging kontrabida siya ni Glaiza de Castro. Ngayon ay nasa malaking cast siya ng GMA primetime telefantasya na Aso Ni San Roque kunsaan kontrabida na naman ang role niya.

Pero paglilinaw ni Gwen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi naman lahat naging kontrabida ako."

“I did a guest role naman sa 'My Beloved' as the young Rio Locsin. Mabait ako doon.

“Nasa Bubble Gang naman ako and they make fun of me there.

“But in playing kontrabida, may challenge talaga.”

Isang sirena ang papel na ginagampanan ni Gwen sa 'Aso Ni San Roque.'

“I play Anaira in Aso Ni San Roque. Evil mermaid ako rito.

“Pumapatay ako ng fishermen and anybody na maliligaw sa dagat.

“Ako ang reyna ng mga aswang ng tubig.”

Sila raw nina Gardo Versoza, Angelika dela Cruz, at Paolo Contis ang evil creatures na gustong pumatay kay Mona Louise Rey, na gumaganap bilang Fatima sa kuwento.

DREAM COME TRUE. Inamin ni Gwen na isa sa mga pangarap niya noong bata siya ay ang maging isang mermaid.

“I guess every little girl naman has that wish, di ba?

“After you watch the movie The Little Mermaid, you feel na ang sarap maging sirena.

“So parang wish come true itong ibinigay nilang role sa akin sa Aso Ni San Roque. 'Yun nga lang, bad mermaid ako dito!” tawa niya.

Madalas daw kunan ang mga eksena ni Gwen na ang nasa background ay isang chroma wall. Pero meron din naman daw siyang mga eksena na kinukunan sa location.

“For authenticity sake, we have to shoot in the water. Okey naman ako sa ganyan basta hindi ako pababayaan.

“The costume, especially the mermaid’s tail is medyo mabigat.

“But that’s part of the job you are doing in this business. Nothing is really easy kaya sacrifice lang.

“At least, my wish came true, di ba? Naging mermaid ako!”


THE ART OF SEDUCTION. Kailangan nga raw ay sexy at seductive ang dating ni Gwen bilang mermaid. Mang-aakit kasi siya rito ng kanyang mga biktima.

“I always practice in front of the mirror—pinapraktis ko ang mang-seduce!” tawa niya.

“Sabi nila I don’t need to use words. Parang eyes lang ang gamitin ko para maka-seduce ako. I think nagagawa ko naman.

“Then I have to lose weight for this show.

“Wala raw mermaid na mataba!” tawa pa niya ulit.

“Kasi I have to look sexy physically, kaya I really trained and went through a diet.

“I lose naman a few pounds and I want to lose some more.

“Hindi naman sobrang sexy ang suot ko because primetime kami. May mga bata na manonood kaya careful sila sa mga dapat takpan sa body ko.

“Wholesome pa rin naman ako.”

SATISFIED. Nakaka-tatlong taon na si Gwen sa GMA-7 and so far ay wala naman daw siyang reklamo sa nangyayari sa kanyang career. Kuntento naman daw siya sa mga ibinibigay sa kanyang mga proyekto.

“I signed a five-year contract with GMA-7. Okey naman ang lahat.

“I’m not in a hurry naman to get to this stage of my career.

“There is reward in being patient, 'di ba? Hindi naman ako nawawalan ng work.

“Before Aso Ni San Roque, I did Biritera, Spooky Nights, Machete, Alakdana, and Grazilda. I’m also a regular in Bubble Gang.

“Whatever they give me, I am thankful.

"I feel that wala pa akong right to make demands.”

Umaasa ba si Gwen na mabigyan siya ng lead role balang araw, tulad sa nangyari kay Andrea Torres na bida na sa Sana Ay Ikaw Na Nga?

“Siguro someday, pero hindi pa ngayon.

“I know that Andrea has been in this business longer than I have. Kaya it’s only right that she gets that break.

“Masaya ako for people like that. I know how hard people work and they are rewarded for that.

“Ako naman, I still have to work on my Tagalog.

“Pero I’m getting better na. Okey na ako sa ibang words ng Tagalog.

“If GMA feels that I am ready, sila na rin ang magbibigay ng malaking project for me.

“I just have to wait and hope for the best.”


FAYE KABISOTE. Sa movies naman ay huling nagbida si Gwen sa Indonesian film na The Witness na kumita naman sa takilya.

Ngayon ay gaganap ulit siya bilang si Faye Kabisote sa Metro Manila Film Festival 2012 entry na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Ako with Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., Vic Sotto, and Judy Ann Santos.

Sabi ni Gwen, “This is my third time to play Faye and I love working with Bossing Vic again.

“I played Faye sa unang Si Agimat at si Enteng Kabisote in 2010 and in Enteng Ng Ina Mo last year.

“Nagsu-shooting na kami because this will be shown on Christmas Day.

“I feel lucky kasi every Christmas for the past three years ay may movie ako sa MMFF.

“Sasakay ulit kami ng float and we will parade for the fans on Christmas Eve. Kaya dito ulit ako mag-Pasko because of the movie.”

How is it working with Vic for the third time?

“It’s always a pleasure to work with Bossing Vic. He’s such a gentleman on the set.

“Lagi siyang nagpapatawa sa amin sa set when people are getting tired na.

“Sila ni Jose [Manalo] and Wally [Bayola], they make us all laugh.

“Masaya sa shooting namin kaya people will truly enjoy this movie when it opens on December 25,” pagtatapos ni Gwen. — PEP.ph

source: gmanetwork.com

Kylie Padilla composes a song about Aljur Abrenica; settles issue with Kris Bernal


Excited si Kylie Padilla sa pagsisimula ng bagong primetime series niya sa GMA-7, ang Haram, katambal si Dingdong Dantes.

Maselan ang paksa ng seryeng ito na tumatalakay sa pagmamahalan ng isang sundalong Kristiyano, na gagampanan ni Dingdong, at ng isang babaeng Muslim, na si Kylie naman ang gaganap.

Nung inilahad kay Kylie ang kuwento ng gagawin nila ni Dingdong, kaagad daw siyang nagtanong sa kanyang ama na si Robin Padilla kung paano ito gawin.

“Nung una, nagtatanong siya, ‘Anak, maghi-hijab ka ba diyan?’

“Ang dami niyang tinatanong kasi iniingatan din po niya. Kasi ang Islam is very sensitive po," sabi ng young actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Haram nitong Biyernes, September 14.

Ang “hijab" ay ang belo na isinusuot ng mga babaeng Muslim upang takpan ang kanilang buhok at leeg.

Ayon pa kay Kylie, marami siyang research na gagawin para maging kapani-paniwala ito at walang may magre-react o magagalit na kapatid na Muslim.

DINGDONG DANTES. Bukod dito, ang isa pa sa iniisip ni Kylie ay ang pagtatrabaho nila ni Dingdong.

“Double D" ang tawag niya sa aktor na kaagad naman daw niyang nakapalagayan ng loob.

Nung una raw ay takot na takot siya, pero natutuwa siya dahil napakabait daw ni Dingdong sa kanya at suportado siya nito nang husto.

Hindi maiwasang maintriga sila at baka mauwi sa selosan, pero tinitiyak ni Kylie na walang ganung intriga dahil napakabait din daw sa kanya ng “Ate Marian" niya.

Si Marian Rivera ang girlfriend sa totoong buhay ni Dingdong.

KRIS BERNAL. Nang tanungin naman siya tungkol kay Aljur Abrenica, napangiti si Kylie.
Wala rin daw selosan sa panig ng young actor dahil nagkakaintindihan daw silang hiwalay ang personal na isyu sa kanilang trabaho.

Abala na rin si Aljur sa pagsisimula ng Coffee Prince, ang primetime series na pagtatambalan nila ni Kris Bernal.

Nilinaw na rin ni Kylie ang isyu nila na nagseselos daw siya kay Kris.

“Hindi po ako nagseselos!" natatawang sabi niya.

“Napapanood ko na sila dati. Fan nila ako.

“Yung sa amin ni Aljur, walang halong showbiz iyon. That was personal.

“So, huwag na lang nilang ihalo."

Pero inamin ni Kylie na nagkaroon sila ng gap noon ni Kris.

“Nung una, oo, merong ganun, pero okay na po kami ngayon," sabi niya.

Pero ngayon ay okay na raw sila ni Kris, at nagkaayos na sila sa pamamagitan ng Twitter.

ALJUR ABRENICA. Sa napapansin namin, mas open na ngayon si Kylie sa pagkukuwento tungkol sa namamagitan sa kanila ni Aljur.

Naghahanda nga raw siya ngayon para sa kauna-unahan niyang album at ang gusto ni Kylie, sarili niyang komposisyon ang nakapaloob na mga kanta rito.

Marami na raw siyang naisulat na kanta, kaya tinanong ng PEP kung meron ba siyang nagawa para kay Aljur.

Natawa ito dahil meron daw siyempre, at isa sa linya ng kantang iyun at halatang kay Aljur ito tinutukoy.

“Ang lines, ‘As the season change, all of my favorite days I love it cause it’s quiet and it’s cold.

“’But I love it most cause it starts with A.’"

Natatawang sabi pa ni Kylie, “Alam niyo na! Ayokong sabihin!"

Napasagot siya ng “yes" nang sinundan namin ng tanong kung para nga ba ito kay Aljur.

Tinanong uli namin kung alam na ba ito ni Aljur.

“Hindi, malalaman na niya ngayon," sagot uli ni Kylie na natatawa na naman. -- Gorgy Rula, PEP

source: gmanetwork.com

Saturday, August 25, 2012

Jake Loveless For A Year Now


MANILA, Philippines - Jake Cuenca is still not keen on getting into a new relationship after a year since his tumultuous breakup with actress Melissa Ricks.

According to Cuenca, his being single helped his career as actor and model as both pursuits have been getting his undivided attention.

"Timely lang siguro kasi di ko rin… Mahirap ring i-fullfil 'yung [work] schedule [kung] maraming bagay na nasa utak mo," said he to PEP.

But the 24-year old insisted that he isn't consciously trying to "block" the idea of falling in love again.

“Kasi, siyempre, masarap naman talaga magka-girlfriend, e," he said adding that he is actually hoping for it to happen "in the near future."


The Real Score

Cuenca insists there is no truth to rumors linking him romantically to Lovi Poe.

“She’s a good friend and I want to keep her as a friend—and she’s very special to me," he maintained.

Asked about the possibility of romance developing between them, Cuenca was seemingly hesitant, suggesting that he's too busy to entertain the idea.

“Hindi birong gumawa ng dalawang teleserye nang sabay-sabay," he maintained referring to time spent doing "Kung Ako’y Iiwan Mo" and "Kahit Puso’y Masugatan."

Riding Solo

Cuenca, however, admitted that Poe is his first and only choice as date in this year's Star Magic Ball.

“Pero aalis ‘ata siya, e. She’s going to Japan," he shared. “Wala, e, ganun, busy. And naintindihan ko naman 'yun—work comes first.”

Cuenca is lukewarm to suggestions that he should instead pick from his current leading ladies Iza Calzado, Andi Eigenmann, Shaina Magdayao and Bangs Garcia.

"Siyempre, I don’t want to be unfair to any of my leading ladies," explained Cuenca. "So I’m just gonna ride solo. Look forward to seeing all my friends, my co-workers—masaya na lang."

Going Out With A Bang

Meanwhile, Cuenca announced that he is all set to be part of Bench Universe 2012, the 25th anniversary underwear-and-denim fashion show of the popular clothing brand.

He enjoined fans to watch the show as it just might be his last.

“Siyempre, ilang beses ko na nagawa and, 'di ba, parang ayaw ko namang magsawa ang tao sa akin," he said.

But it's not as if he won't make his supposedly last stint special for his followers.

“I want to ramp with a big bang! Tingnan ninyo na lang. I want to consider na this will be my last one, so expect the unexpected!”

article source: mb.com.ph

Wednesday, August 22, 2012

Dingdong Dantes wants to produce an action movie for Marian Rivera


Tila matatagalan pa bago muling magkasama sa isang proyekto ang magkasintahan na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ang huling proyekto na sila ang magkapareha ay ang primetime series na My Beloved.

Conflict daw ang schedules ng dalawa kaya naman si Lovi Poe ang naging leading lady ni Dingdong sa pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Dagdag pa ng Kapuso actor, na isa rin sa producers ng pelikula, “Siyempre, maganda rin na may kanya-kanya kaming ginagawa ni Marian separately.

“Parang ako, noong time na ginagawa ko ‘to, iba yung ginagawa niya. Nagkataon lang na ngayon lang siya ipalalabas."

Mahigit isang taon ang ginugol para matapos ang Tiktik, na lahat ay ginamitan ng computer-generated imagery.

Kung tutuusin, mas nauna pa itong natapos kaysa sa isa pang co-produced na pelikula ni Dingdong—ang 2012 Metro Manila Film Festival entry na Segunda Mano.

PRODUCING A MOVIE FOR MARIAN. Hindi man sila magkasama ngayon sa pelikula, sinabi ni Dingdong na may plano siyang mag-produce ng pelikula para kay Marian.

“It’s already in the works. Kumbaga, binubuo pa lang," sabi ni Dingdong PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa pocket presscon para sa Tiktik noong Linggo, Agosto 19.

“Ito ‘yong project na prinesent sa akin ng team, bumubuo ng Tiktik. Na-excite kami and we’re very excited with the project.

“Plans pa lang. Pero one thing is for sure, we’re all very excited. All parties are very excited."

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Dingdong tungkol sa planong ito. Pero kung may pagkakataon mag-produce ng isa pang pelikula para kay Marian, gusto ng aktor na mayroon itong halong aksyon.

“Type ng movie for Marian, siguro mala-Salt."

Ang Salt ay isang action-thriller film na pinagbidahan ng Hollywood actress na si Angelina Jolie noong 2010.

Sa tingin ni Dingdong ay kaya ng girlfriend niya ang ganitong klase ng pelikula.

“Puwede, kasi parang feeling ko, ganun yung ginawa niya sa Darna (2009) at saka sa Amaya (2012).

“Sisiw na sa kanya ang ganitong action films. And bihira ka pa makakita sa pelikula na ang babae ang gumagawa ng action."

ON MARRIAGE. Samantala, kapansin-pansin na bukod sa pagiging aktor at TV host, nahuhumaling din si Dingdong sa pagpo-produce ng pelikula sa pamamagitan ng kanyang production company na Agosto Dos Pictures.

Isa kaya itong paghahanda para sa kanyang nalalapit na paglagay sa tahimik?

“Masasabi ko pong oo, pero matagal ko na po talagang gustong mag-produce," sagot ni Dingdong.

“Ngayon lang po nabigyan ng pagkakataon dahil siguro because of the relationships that I’ve built throughout the years.

“Nakilala ko yuong mga taong mapagkakatiwalaan ko at magtitiwala sa ako, so nagawa ko."

Ilang beses na ring natanong si Dingdong, pati na si Marian, kung may plano na silang magpakasal.

Sa panayam ng PEP noong Linggo, hindi pa rin nagbabago ang sagot ng aktor tungkol dito.
Ani Dingdong. “Meron naman.

"Feeling namin, may tamang timing para diyan—with the things that we’re doing.

“Hindi rin naman habang buhay, e, magtatrabaho lang kami. May hangganan din naman lahat." -- Nerisa Almo, PEP

source: gmanetwork.com

Saturday, August 11, 2012

Dingdong Dantes says no to politics


Dati, matagal nang planado ni Dingdong Dantes ang ireregalo sa kaarawan ng girlfriend niyang si Marian Rivera.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa live gala night ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break noong Linggo, August 5, sa Studio 7 ng GMA.

Live gala presenter si Dingdong Dantes ng Protégé.

Doon tinanong ng PEP sa actor kung wala pa siyang naiisip na regalo sa kasintahang aktres sa kaarawan nito sa Linggo, August 12.

“Wala pa, iniisip ko pa, e," sinabi ni Dingdong.

Biro tuloy kay Dingdong—baka nagsasawa na siyang magregalo kay Marian?

“Siguro, hindi! Mahirap din kasing mag-isip kung ano ang ibibigay sa kanya.

“Usually naman, definitely kapag three days before, may maiisip na ako."

Sa isang interview naman kay Marian, nasabi nitong kapag nagmahal siya, hindi lang kamay at braso ang ibinibigay niya sa taong mahal niya kundi buong katawan.

At ang reaksyon dito ni Dingdong…

“Oo, e! Ganoon siya talagang klase ng tao. Pag 'binibigay niya ang sarili niya, talagang buong-buo!

“Ina-appreciate ko naman yun kaya kung ano ang ibinigay niya sa akin, aalagaan ko naman."
Ganoon din ba si Dingdong?

“Kanya-kanya namang bersyon, e. Hindi ko masasabi in those words. I express myself differently."

Hindi alam at ikinagulat ng aktor ang balitang papasok sa pulitika si Aga Muhlach.

Kaya’t ibinaling sa kanya ang tanong na papasukin din ba niya ang public service.

Sabi ni Dingdong, “Sa dami ng trabaho ko sa showbiz ngayon, ayokong mag-suffer ito kapag pinasok ko ang ibang mundo.

“Para sa akin, masaya na ako sa ginagawa ko. Ayokong mag-suffer ang isa, dahil gusto kong mag-excel sa isang field.

Abala si Dingdong sa filmfest entry niya with Angel Locsin at Angelica Panganiban na One More Try ng Star Cinema.

Ipapalabas na rin ang Aswang Chronicles niya sa October, pero ang movie niyang Dance of the Steel Bar ay baka next year na maipalabas.

Liban dito, nariyan pa rin ang kanyang sinimulang YesPinoy Foundation. Sa pamamagitan nito ay nakakatulong si Dingdong at ang kanyang mga kaibigan at supporters bilang private citizens.

Noong Ondoy ay nag-organisa ang foundation ng caravan ng relief goods. At nakakalikom sila ng pera para sa scholarships ng mga anak ng mga sundalo ng ating sandatahang lakas.

THANKS TO TECHNOLOGY. Kamakailan, napabalitang magkasamang nagpunta sina Dingdong at Marian sa Spain.

Ang Kastilang ama ni Marian ay naninirahan sa bansang Espanya, at dati nang nagkakilala ang ama ni Marian atb si Dingdong.

Kumusta ang naging bonding ngayon ni Dingdong sa ama ni Marian?

“Masaya," ang nakangiting sinabi ng aktor. “Mas masaya na this time around.

“Kasi nga medyo naka-warm up na kami. Enjoy lang talaga.

“Tsaka mas maayos na ang communication ngayon dahil… well, thanks to iPhone, dahil may translator.

“Mas napapadali ang buhay. Pati siya, nakakapag-communicate na siya nang madalas," kuwento pa ni Dingdong.

WEDDING BELLS? Hindi ba siya tinanong ng ama ng aktres kung kailan niya pakakasalan si Marian?

“Wala, wala," sabay-tawa ni Dingdong. “Casual lang ang usapan.

“Walang tanong na ganoon. Good time lang talaga.

“May mga common interests din kami. Mahilig siya sa sasakyan—karerista rin siya ng motor noong araw.

“Mahilig siya sa steak. Mahilig siyang mag-grill."

Natatandaan ng YES! Magazine team na hilig din ito ni Dingdong. Nang minsang mapadpad sa lugar niya ang YES! team para sa isang pictorial, higit pa sa sapat ang inihanda nitong pagkain.

Pero di pa nasiyahan si Dingdong. Sinabi nitong kung hindi lang nagkulang sa oras, ang balak talaga niya ay mag-grill ng steak. -- Rommel Gonzales, PEP

source: gmanetwork.com

Saturday, July 14, 2012

Dolphy Jr. thankful for the love Zsa Zsa Padilla gave to his father


Dolphy Jr. told PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) that their family is coping.

“Okay naman, pero siyempre, kung ako nga hangga’t maaari, e ‘wag tumakbo yung oras.

“Kung mapipigil mo lang, di ba? Kaya lang, dadating talaga, e."

In a brief interview on Friday, July 13, the third day of the wake of the Comedy King at the Heritage Park in Taguig City, Dolphy Jr. said: “Nalulungkot dahil mawawala yung aming hinihingan ng advice, sinasandalan, yung nagpapasaya sa amin."

Dolphy Jr. is Rodolfo Vera Quizon Sr.’s son with former stage actress Engracia Dominguez. It can be recalled that Dolphy Jr. was charged with and imprisoned for 18 years for arson that claimed six lives including the offspring of actress Mina Aragon.

It was alleged that he started the fire while he was high on drugs. In 1998, Dolphy Jr. was pardoned by the former President Joseph Estrada. The Comedy King’s son has since lived a renewed life as a preacher for Brother Eddie Villanueva’s Jesus is Lord Church.

Asked to describe his relationship with his father, Dolphy Jr. said: “Kami ng father ko… hindi naman talaga ‘hindi pagkakaunawaan.’ Kaya lang siyempre, dala ko ang pangalan niya.

“May advantage and may disadvantage. Kagaya nung nasangkot ako sa isang kaso, siyempre dala-dala ko po yung pangalan niya, nahihiya ako sa father ko."

The former actor, who used to star with Dolphy in films, added, “Kasi alam ng father ko, dun sa kaso ko na yun, wala naman akong alam dun, e. Kasi nung panahon na mangyari yung sunog na yun, magkakasama kami ng Tatay ko, e."

I LOVE YOU, DAD. Dolphy Jr. was with his father when the Comedy King was in and out of the hospital.

“Madalas akong nasa ospital. Ako nagbabantay din sa kanya do’n."

If he could talk to his father, he would tell him, “I love you, Dad."

“Mahal na mahal namin ang Daddy ko, e. Kasi grabe din ang binigay niyang pagmamahal sa amin.
“Kasi hanggang sa huli… [kahit] hindi mo na nga madinig magsalita pero ‘pag bumuka ang bibig, ang tanong [niya], ‘Kamusta kayo? Kumain na ba kayo?’"

ON ZSA ZSA PADILLA. Dolphy Jr. is grateful to actress-singer Zsa Zsa Padilla for the devotion and love she gave the Comedy King in their 23 years together as a couple.

“Nagpapasalamat talaga ako [na] siya ang binigay ng Panginoon sa Daddy ko, kasi talaga yung pagtiya-tiyaga niya…

“Siya nag-aayos sa Daddy ko. Siya ang nagkukulay ng buhok ng Daddy ko, nag-aayos ng isusuot ng Daddy ko.

“I’m very thankful kay Zsa Zsa sa pagmamahal niya sa Daddy ko."

NATIONAL ARTIST AWARD. Dolphy Jr. is happy to hear that President Benigno Aquino III has declared July 10, “Dolphy Day."

“Nagpapasalamat ako… hindi man niya nakuha yung National Artist [award]. Nadidinig ko lang yan, e."

The public clamor to declare his father a National Artist has been in the news in the past days.
The late comedian’s son said, “‘Pag pumasok sa isip ko yung National Artist, ang pagkakaintindi ko diyan is masa, e.

“Kaya nga ‘National,’ e. Hindi naman pang elite lang yan, e.

“Daddy ko kasi ang taong may etiketa, in the sense na kung ayaw mo ibigay sa kanya, okay lang. Wala namang problema, e.

“Kasi, sa dami naman ng nagmamahal sa Tatay ko, sa dami ng nananalangin sa Tatay ko, alam ko, sa puso ng masang Pilipino, Daddy ko ay National Arist, e."

He added that with or without Dolphy Day or a National Artist Award, his father, Dolphy, had already achieved everything. -- Demai Sunio-Granali/Abby Mendoza, PEP

source: gmanetwork.com

Tuesday, July 3, 2012

Al Galang on Vicki Belo: 'Well I'm just happy that she seems way more at peace these days'


PEP EXCLUSIVE. “Sila ba?"

This was the question of some guests who noticed the sweetness of Dra. Vicki Belo and Al Galang at the birthday party of Ruffa Gutierrez last June 30.

In an interview with GMA News 24 Oras, the famous beauty doctor was quick to say that her yoga instructor is just a “good friend."

The sightings, she said, can be explained because of this project called “Belofy Me," which is the first and only free cosmetic surgery simulation mobile app for iPhone and iPad in the Philippines.

Dra. Vicki added, “He’s helping with the app. Siguro kaya lagi kami natsi-tsismis kasi lagi kami magkasama developing the app."

Back to her love life, Dra. Vicki said she's setting an age requirement this time.

Smiling, she quipped, “Ayoko na ng young kasi nahihirapan talaga ako. Kung gustong mag-apply, mga 35, 45, 50, puwede…"

One thing she didn't explain: their reported sweetness.

"DON'T QUALIFY YET…" Earlier, PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) received a video showing what was described by the sender a "sweet moment" between the beauty doctor and the yoga instructor.

The sender, who also attended Ruffa's party, requested for anonymity.

To settle the real score, we got in touch with Al via text, and informed him about the video.
His reply (published as is): “Well I'm just happy that she seems way more at peace these days :) its such a breath of fresh air not to see her in pain."

The last time we spoke to him about Dra. Vicki was sometime in February, when his name was dragged into the controversial breakup of the latter with Hayden Kho, Jr.

We asked a follow-up question: is he “partly causing that glow or happiness" of the beauty doctor?

Al answered, “obviously I can't say if it's really me that's making her bloom, but I know I've tried my best lately to help her get groove back :)"

When asked about the media’s speculation, he simply said, “I thought that was done :p"

Lastly, with regard to Dra. Vicki’s statement on the real score between her and Al, here’s what the 32-year-old (one blogger said he’s 28) hunk told PEP:

“As far as I know though, she set an age minimum for her next guy, and I definitely don't qualify yet!" -- Karen A. Pagsolingan, PEP

source: gmanetwork.com

Sunday, July 1, 2012

Mark Herras on relationship with Ynna Asistio: 'Di na ganun kalaki yung selos


Pagkatapos ng "Hiram na Puso," ang afternoon soap ng GMA-7 na magtatapos na ngayong linggo, wala pang nakalinyang proyekto para kay Mark Herras.

Kaya naman daw balik workout muna ang young actor para mapanatili ang magandang hubog ng katawan niya.

“Siguro excercise lang, ‘tapos gym. Hindi naman yung magpalaki ng katawan – yung magpa-slim o magpaganda lang ng katawan.

“Ayoko na kasi pumayat. Kung anu-ano ang naiisyu sa akin na hindi naman totoo!” tawa ni Mark nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Yun 'yung plans ko this month and the following month after Hiram Na Puso, habang naghihintay pa ako ng proyekto.

“Tapos balik basketball, kasi hilig ko ring mag-basketball. And a lot of workshops.

“Of course, every Sunday pa rin naman akong mapapanood sa Party Pilipinas at guestings sa iba’t ibang shows ng GMA-7.

“Alam ko naman na hindi ako pababayaan ng GMA-7 at bibigyan nila ako ulit ng magandang proyekto katulad ng Hiram Na Puso."

Kung bigyan siya ng pagkakataong pumili ng susunod niyang proyekto, ano ang gusto niya?

“Given a chance? Ano ba... gusto ko kung puwede sa TV yung ginampanan ni Aga Muhlach na pelikula noon…. Hindi ko na maalala kung ano yung title, parang psycho killer siya – nagiging mabait at nagiging salbahe, parang ganon.

“Para sa akin kasi very challenging yung ganong klaseng role... 'yun yung gusto kong gampanan.

“O kaya action-comedy, para maiba naman sa mga roles na ginagawa ko na puro drama. Pero kung ano yung ibibigay nila sa akin, okay lang din sa akin.

“Sa akin naman kasi, ang mahalaga may trabaho. Kaya kahit anong project, okay lang sa akin.

"Hindi naman nila ako bibigyan ng project na hindi babagay sa akin.

“Kaya nga thankful ako sa GMA-7 dahil magagandang proyekto ang ibinibigay nila sa akin,” saad ni Mark.

Gusto rin daw ni Mark na makagawa uli ng pelikula.

“Oo naman, kasi yung ginawa ko na pelikula medyo matagal-tagal na, medyo nami-miss ko na… na makita yung sarili ko sa pelikula.

“Bale yung last na ginawa ko na pelikula yung semi-indie at semi-mainstream movie na 'Hitman' kay Kuya Cesar Montano."

“At sana soon mabigyan na ako.”

Meron pa ba siyang gustong makatrabaho sa mga leading ladies ng Kapuso network?

“Ako kahit sino, pero mas maganda 'yung magaang katrabaho, yung magandang makisama. Pero so far, hindi ako namimili.

“Kung sino yung ibigay nila sa akin, okay lang yun. Trabaho ang mahalaga.”

KRIS BERNAL. Ano ang pakiramdam na maghihiwalay na sila ni Kris Bernal na nakasama niya sa dalawang soaps ng GMA-7 – "Time of My Life" "at Hiram Na Puso"?

“'Yung trabaho naman natin dito sa network, hindi naman puwede na sasabihin mo sa itaas [management] na isa lang ang puwede mong maging partner, 'di ba?

“Katulad dati, 'di ba, na-stuck ako sa Mark at Jen [Jennylyn Mercado] love team.

“Then, unti-unti, ginagawa nila sa akin ng GMA, pina-partner nila ako sa iba’t ibang leading ladies.

“So, natutuwa ako kasi nabibigyan ako ng pagkakataong makatrabaho pa 'yung iba.”

Ano ang mami-miss niya kay Kris Bernal?

“Si Kris kasi masarap at magaan siya katrabaho kasi professional at magaling umarte. Mabait pa at walang kaarte-arte.

“Yon kasi ang maganda kasama sa work, yung mahal niya at dedicated sa trabaho. Nakakahawa at kailangang galingan mo.”

Nasabi ba ni Kris sa kanya na may crush ito sa kanya?

“Hindi niya sinabi, ewan ko diyan kung ano ang pinagsasabi niya!” natatawang sabi ni Mark.

“Pero honestly speaking, I’m flattered.

“If ever nga na crush niya ako, wala naman sigurong masama.

“Kasi humahanga lang siya and alam naman ni Kris kung gaano na kami katagal ni Ynna [Asistio, girlfriend ni Mark].”

YNNA ASISTIO. Hindi naman siya pinagseselosan ni Ynna?

“Before, pero tapos na yun, tapos na yung issue,” sabi ng young actor.

Pero alam ni Ynna na crush siya ni Kris?

“Hindi yata.”

Kumusta naman sila ni Ynna?

“We’re okey lalo na four years and five months na kami. Going strong yung relationship namin.

“After nung lahat ng issues, intriga na dumating sa amin, we’re still here, nandiyan pa rin siya.”

Wala naman silang selosan factor sa isa’t isa?

“Siguro sa 100 percent, siguro mga 20 percent na lang. Hindi na ganun kalaki yung selos.”

So mas secure na sila sa isa’t isa?

“Oo, mas secure na kami,” sagot ni Mark. PEP.ph

article source: gmanetwork.com

Tuesday, June 12, 2012

Marian Rivera, ipinaliwanag kung bakit ‘di pa siya handang magpakasal

Sa ginawang panayam ng PEP Talk ng Philippine Entertainment Portal (PEP), ipinaliwanag ng Kapuso Primerime Queen na si Marian Rivera ang dahilan kung bakit hindi pa sila handang lumagay sa tahimik.

Sa naturang panayam, sinabi ni Marian dahil naniniwala siyang kailangang maging buo muna ang pagkatao ng isang tao bago pumasok sa lifetime commitment.

“Kapag sinabi kong, ‘Oo, gusto kong ikasal,’ ibig sabihin, kailangan buo ‘yong pagkatao ko. Hindi lang, ‘ay! love ko siya! Ay! kasal na tayo!’ Hindi," paliwanag ng aktres sa PEP Talk, ang kauna-unahang online showbiz talk show sa bansa.

Iginiit niya na magpapakasal lamang siya kapag buo na ang kanyang pagkatao at kapag handa na siya sa mga maaaring kahinatnan ng pagiging maybahay.

“Sa ngayon masasabi ko na mayroon pang kailangan na mabuo kay Marian Rivera para maging wife," pahayag niya.

Bukod dito, naniniwala rin ang Primetime Queen na hindi edad ang dapat maging basehan ng pagmamahal.

Nasa 30’s na ang nobyo ni Marian na si Dingdong Dantes. Samantala, nasa late 20’s naman ang Kapuso actress.

“Wala naman sa edad ‘yan, e. May mga bata nga ikinakasal na 18 years old, pero matured. May mga ikinakasal na 35 years old, pero hindi nagwo-work ang relationship. So, nasa pagkatao ‘yan," ayon kay Marian.

Wala naman daw particular tema ng kasal na naiisip si Marian.

"Siguro kahit dati pa, isa lang ang pangarap ko na wedding — basta sa church. Kahit ano pa ang suot ko diyan, basta ang gusto ko sa simbahan," aniya.

Sa kabila nito, hindi naman daw kailangang mabahala ng mga ‘Marianknights’ (Marian Rivera fans) dahil hindi niya iiwan ang showbiz kahit na ikasal na siya.

"Ay, hindi mangyayari ‘yan. Mahal ko ang trabaho ko. Dito ako nakilala. Dito ako minahal ng tao kung sino talaga ako.Hindi mawawala sa dugo ko ang pag-arte at pagsasayaw," pagtiyak ni Marian. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

source: gmanetwork.com

Sunday, May 6, 2012

Derrick Monasterio looks forward to reuniting with his father in the US


Ngayong araw na ito, May 6, ang takdang alis ni Derrick Monastrerio pagpunta sa Amerika kasama ang iba pang cast ng The Road para sa pagpapalabas doon ng nabanggit na pelikula.

Bago nito, sinasamantala niya ang pagkakataon na tanggapin ang lahat ng alok na out of town shows para raw makaipon ng sapat na perang babaunin sa biyahe niyang iyon.

“Siyempre, kailangang may pambili ako ng pasalubong para sa pamilya ko at sa ilang kaibigan,” aniya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Si Sarah Lahbati ba, kasama sa listahan ng mga bibilihan niya ng pasalubong?

“Bawal po siyang pag-usapan!” sabay tawa ng young actor.

Bakit bawal pag-usapan si Sarah na dati ay maingay na napapabalitang nililigawan niya?

“Sabi po ng manager ko. Basta… huwag na lang daw po akong magsalita tungkol sa kanya.”

Pero magkaibigan pa rin sila ni Sarah?

“Opo,” matipid na sagot ni Derek.

May bago bang ila-loveteam sa kanya kaya pinagbabawalan siya na magsalita about Sarah?

“Wala naman.”

Bakit siya pinagbabawalan ng kanyang manager na pag-usapan siya?

“Wala lang. Basta… masaya po ang magiging experience namin sa US,” nangiting paglilihis ni Derrick sa pinapaksa ng usapan.

“Magkikita kami ng Dad ko roon. Yes!

“Sobrang tagal naming hindi nagkita. Mga four years din.

“Umuwi siya rito four years ago. Pasko ‘yon. Tatlong araw lang kaming nagkasama.

“So, excited ako na magkikita ulit kami. Baka po pumunta siya sa L.A. [kung saan may red carpet premiere ang The Road].

"Kasi kung ako ang pupunta doon sa kanila, malabo, e. Out of the way kasi.”

Busy raw sa trabaho at may iba na ring pamilya sa Amerika ang kanyang ama. Ito raw ang dahilan kung bakit bihira silang magkita.

Kilala ba niya ang mga kapatid niya sa ama?

“No. Hindi pa po kami nagkikita kaya hindi ko sila kilala.

“At saka mahirap kilalanin kasi English-speaking sila, e,” natawa ulit na biro ni Derrick.

“Okey lang sa akin kung halimbawa, kasama sila ng dad ko kapag nagkita kami. Kung ipapakilala niya, okey lang sa akin.”

Ano ang nami-miss niya sa Dad niya?

“’Yong pagiging sweet niya po. At saka pagiging galante,” sabay tawa na naman ng young actor.

“Nagpi-prepare nga ako ng mga ipapasalubong ko sa kanya. Bibigyan ko siya ng durian at saka ‘yong iba pang delicacies dito sa Pilipinas.”

One week lang daw ang ilalagi niya at ng iba pang cast ng The Road sa US Gustuhin man daw niyang mag-extend ng kanyang stay doon para makapag-bonding sila nang husto ng Dad niya, hindi raw pupuwede dahil kailangan agad niyang bumalik sa Pilipinas.

“Ang dami ko po kasing mami-miss na trabaho. Mas gusto ko pong mag-work kesa magbakasyon. Gusto kong samantalahin na marami akong trabaho.” — PEP.ph

source: gmanetwork.com

Wednesday, May 2, 2012

Gloria Diaz denies rift with daughter Isabelle Daza


Noong Biyernes, Abril 27, sa fashion show ng Oakley na ginanap sa NBC Tent sa The Fort, Taguig City, ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang beteranang aktres at dating Miss Universe na si Gloria Diaz.

Kasalukuyang naiipit sa intriga si Gloria dahil sa tampuhan diumano nila ng anak na si Isabelle, na nag-ugat daw sa pagsugod niya sa magazine pictorial ng dalagang anak.

Ani Gloria, “A, wala iyon!

"Siyempre me, I always approve of what she does and what she does [not].

“Yeah, sometimes we talk about things and we disagree in everything.

“Kami ni Belle, we disagree.

"Sabi ko sa kanya, ang uso ngayon coral ang lipstick, coral color. Sa kanya, ‘No. It’s always red.’

“Basta as mother-daughter, in every way we have our differences. Kahit sa pagme-makeup or expression or the way I pronounce words, so balewala iyon."

Totoo ba ang balitang humingi ng hiwalay na dressing room si Isabelle sa kanilang commercial shoot dahil ayaw siyang makasama nito?

“Oh, no, of course not. It’s not that we’re not nagpapansinan.

“We were so busy. Hectic!

"Ako nagpapaayos ng mukha, siya din nagpapaayos, alangan namang maghalikan pa kami doon, di ba?

“No [it’s not true]. We were so busy and I was in a separate room from my daughter but we just needed time for [ourselves].

“I mean, it’s not true. I don’t know where did that come from."

Nilinaw rin ni Gloria na hindi totoong inaway niya ang staff ng magazine.

“Ako, hindi ako nagtampo. Baka sila, ewan ko.

"Actually, wala naman akong balita.

“No naman, no. I don’t know nga why it’s nanganganak, e. Ewan ko.

“Wala naman, okay lang.

"And the owners [of the magazine] naman are Maricris and Iñigo Zobel, they’re friends naman of ours.

"Hindi naman, hindi naman [magkagalit]."

Pero totoo bang binawalan niya si Isabelle na mag-pose nang sexy para sa naturang magazine?

“Alam mo, I trust her. She can do what she wants. She’s 24 years old, di ba?

“Ang mommy ko, hindi naman nakialam sa ‘kin [noon]. O, buhay pa ako, di ba?

"Si Isabelle can do what she wants to do.

“E, iyong 20 years old ko nga, you know, my daughter nga 'pag may sinabi ako, ‘Ava, tie your hair. It’s so magulo.’ She would say, ‘Mom, chill.’

“E, 24 na nga si Belle, e, di ba? So she can do what she wants.

“Iyon nga lang, sometimes she asks for advice. When she was doing some kind of an ad she says, ‘I’m kind of nervous.’ I said, ‘Relax. Just concentrate on your line. Do your best,’ iyon lang.

“She always naman texts me and hindi naman kami nagkakaproblema."

ON ANNABELLE RAMA-AMALIA FUENTES ISSUE. Muli ring nagbigay ng pahayag si Gloria ukol sa pagkakadawit niya sa alitan nina Amalia Fuentes at Annabelle Rama kamakailan.

“A, yes, that’s very useless 'yang mga intri-intriga na 'yan.

“But I think that it’s really showbiz, e. Since time immemorial, di ba, meron ng konting intriga.

“I think people like it. People parang go on pa parang they’re getting into the news.

“Siguro it’s not entirely true, pero people like it."

WORKING WITH RUFFA GUTIERREZ. Hindi ba sila nagka-ilangan ni Ruffa Gutierrez, anak ni Annabelle Rama, sa set ng pelikula nilang The Mommy Returns nang dahil sa isyu?

“Of course kaibigan ko naman si Ruffa. Actually, wala namang nangyari, e.

“I think there was a misunderstanding at hindi naman ako kasali doon. I just happen to be a bystander, di ba, so wala, wala iyon."

Kumusta naman ang produksiyon ng bago niyang pelikula under Regal Films?

“Oh, yes! Don’t forget to watch. It’s very funny. I just dubbed it and I did not know it would come out funny.

“It’s not even hard sell and ang ganda, ang ganda. Cute din ang role ko."

Ano naman ang masasabi niya tungkol sa mga nakatrabaho niya sa pelikula?

“Well, Ruffa naman... I’ve known Ruffa for a long time, but Pokwang I was surprised.

“She is so talented, she’s so magaling.

"I mean, she’s so flexible. Magaling. I like to work with her.

“I love working on comedy. Kung puwede nga kahit television puro comedy, e.

“Pero mahirap mag-comedy. Madali magpaiyak.

"Sampalin mo lang iyan or something maiiyak agad ang tao, apihin mo lang iyong api, di ba?

“Pero iyong comedy, talagang timing is very important and the lines cannot be hard sell so napakahirap ng comedy." -- Demai G. Sunio-Granali, PEP

source: gmanetwork.com

Thursday, April 26, 2012

Isabel Oli learns important lesson about hiring househelp


Pagkatapos pagnakawan ng kanyang kasamabahay si Isabel Oli, natuto na raw ang aktres na huwag masyadong magtiwala sa mga taong hindi pa niya lubos na kilala.

Aminado si Isabel na dahil sa malungkot na kuwento ng kasambahay, na pinaghihinalaang nagnakaw sa kanilang bahay, kaya niya ito agad tinanggap at pinagkatiwalaan.

Lorna Baliba ang pangalan ng kasambahay na pinaghihinalaang nagnakaw ng ilang mga kagamitan sa bahay nila Isabel.

“Nature ko na siguro yung maawa ako sa mga malulungkot na kuwento.

“Noong una ngang mag-apply sa akin ‘yan, marami siyang kuwento—naghiwalay sila ng asawa niya, may mga anak siyang pinag-aaral, at hirap siyang makahanap ng trabaho.

“Ako naman kasi, gusto kong tumulong talaga. Kaya tinanggap ko siya.

“Ni hindi ko na nga naisip na ipagtanong siya since nalaman ko na galing pala siya kay Angel Locsin.

“Kumbaga, hindi na ako nag-imbestiga pa kasi nababaitan ako sa kanya.

“I just wanted to give her a job at hindi ko naman nakita sa kanya na pagnanakawan niya ako balang-araw," sabi ni Isabel tungkol sa kanyang naging kasambahay nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Studio 6 ng GMA Annex Building.

Higit daw sa P100,000 ang halagang naipuslit ng kasambahay ni Isabel mula sa kanilang bahay sa Fairview, Quezon City. Apat na buwan pa lang na nagtatrabaho ang nasabing kasambahay sa kanya.

Napag-alaman din ni Isabel na pinagnakawan din pala ng kasambahay na ito si Angel Locsin noong magtrabaho ito bilang yaya ng aktres.

Kuwento pa ni Isabel, noong nasa Boracay siya para sa taping ng programang Sports Pilipinas ay naiwan ang kanyang kasambahay sa bahay kasama ang kanyang amang maysakit at ang nurse nito.

Kuwento naman ng nurse kay Isabel, nakita raw niyang akyat-baba ang kanilang kasambahay na may dalang trash can. Inakala lang daw ng nurse na naglilinis ito sa mga kuwarto at nagtatapon ng basura.

Patuloy ng aktres, “Huli siyang nakitang lumabas ng nurse ay around 6 p.m. ‘Tapos nawala na siya. Naiwan yung trash can sa labas.

“Pagkauwi namin, doon namin nalaman na marami nang nawala sa bahay.

“Nawala ang camera ko, pera ng sister-in-law ko, pera para sa budget sa bahay, mga relo ko na ginagamit ko for taping, at mga cell phones ng pamangkin ko.

“Buti na lang at yung mga alahas ko, nakatago siya somewhere sa kuwarto ko kaya hindi niya nanakaw ang mga iyon.

“Yun lang mga madali niyang nakalkal ang kinuha niya."

HIS DADDY'S WATCH. Pinaka-nalungkot daw si Isabel nang manakaw din ang relo ng kanyang ama na may sentimental value dito.

Aniya, “Yun na siguro ang irreplaceable sa mga nanakaw.

“That watch has been my dad’s watch noong bata pa ako. Paborito niyang relo iyon.

“Dinala kasi ‘yan ng kapatid ko from Cebu two weeks ago.

“Sa Fairview na kasi si Daddy naka-stay kaya dinala na lang ito ng brother ko dito.

“Pati yun pala nanakawin din. Naiyak ako kasi nga relo iyon ni Daddy."

THE SEARCH. Mabilis raw nai-report ni Isabel ang pagnanakaw sa police station sa tulong na rin ng kaibigan niyang taga-GMA News.

“Nanggaling na rin kami sa NBI at nasimulan na nila ang paghanap [sa suspek].

“Gusto ko talaga siyang mahanap at matigil ang kanyang mga ginagawa.

“Baka kasi makabiktima siya ng ibang mga tao, lalo na ang ibang artista na naghahanap ng kasambahay

“Hindi ko na hinahabol ang mga ninakaw niya sa bahay. Alam ko na wala na ang mga iyon.

“Ang habol ko lang ay ang pigilan siya na gawin ito sa ibang tao."

Sa susunod nga raw na may mag-apply na kasambahay kay Isabel, sisiguraduhin niya na kumpleto na ito sa mga importanteng papeles bago niya ito tanggapin.

“Natuto na ako ngayon. Hindi na ako basta maaawa," sabay ngiti niya.

“Hihingin ko ang NBI clearance, police clearance, barangay clearance, at lahat pa ng kung anu-anong clearance.

“At kailangan authentic lahat kasi may napepeke palang mga ganyan.

“Sa ngayon, hindi muna ako tatanggap. Kami-kami na muna sa bahay ang magtutulungan para iwas sa ganyang problema," sabi niya.

BUSY AT WORK. Buti na lang daw at maraming trabaho ngayon si Isabel kaya mabilis niyang mababawi ang mga nawala sa kanila.

“Right now, I have Party Pilipinas every Sunday and Showbiz Exclusives from Monday to Friday.

“I also have Sports Pilipinas on GMA News TV every Sunday din.

“Enjoy ako sa hosting at malaki na rin ang naging improvement ko. Mas lively na raw ako ngayon.

“Wala pa naman akong bagong series. The last one I did was Daldalita.

“Meron naman daw akong gagawin at hinihintay ko lang kung kailan mag-start.

“Kaya ngayon, puro hosting muna sa TV at sa mga out-of-town shows. I also have guestings sa ibang shows."

SINGLE AND AVAILABLE. Pagdating naman sa personal na buhay ni Isabel, claim nito na “single and available" siya ngayon.

Pero hindi raw niya muna bibigyan ng atensiyon ang kanyang personal na buhay.

“Pahinga muna tayo sa ganyan.

“Alam ko na matagal na yung last relationship ko.

“I’ve moved on naman na. Pero hindi priority ang lovelife ko.

“I want to work and work and work! Yun lang muna at saka na ang love!" natatawang sabi ni Isabel. -- Ruel J. Mendoza, PEP

source: gmanetwork.com

Tuesday, April 24, 2012

'Behind' Rocco Nacino's preparation for upcoming film


MANILA, Philippines — Actor Rocco Nacino is excited to start working on his first title role in a film, a retelling of the folk epic “Biag ni Lam-Ang.”

As of this writing, the cast and crew of the film are already on location in Ilocos.

In an interview, Nacino said he is doing everything to make sure that he would be able to fulfill everything that is needed for him to give justice to the role, including having to prep his bottom.

Apparently, the role calls for the 25-year old to wear a g-string, allowing exposure to both his butt cheeks; and Nacino is insecure about how they look.

“Nahihiya ako sa butt ko. I mean, malaman siya. People tell me that it’s an asset—I don’t think it is. Siguro shy lang ako. Hindi ko kaya na ipakita sa mga tao,” said he in a recent interview with PEP.

Not that he has a choice.

“Siyempre, gusto kong irespeto ang culture ng mga Ilokano,” said he in the same PEP interview. “[Gusto ko] magawa kong tama 'yung culture na ginagawa ng mga Ilokano [at] maging masaya lang ‘yung mga Ilokano. Gusto ko lang maging maganda ‘yung film at ma-appreciate ng lahat ng tao.”

As such, Nacino is more than determined to make sure that his butt is ready for their scenes.

“Pipilitin ko na kayanin. Pero as much as possible, not too much [exposure],” he said.

“Papakinisin natin,” he added. "Hindi ako perpektong tao kaya… ewan ko, first time ko 'yan kung sakali.”

Still, Nacino is hopeful that focus on his butt won’t overshadow his vastly-improved acting abilities.

In April 29, Nacino will be honored by the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation as the Most Promising Male Star of the Year.

Prior, he won the Best New Actor award from the Star Awards for Movies and the Golden Screen Awards for his performance in “Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa.”

article source: mb.com.ph

Thursday, March 29, 2012

Rocco Nacino not closing his doors on nude scenes


“Cloud nine pa rin ako!"

Ito ang masayang sambit ni Rocco Nacino nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang pakiramdam na sa loob ng sampung araw ay nakadalawang acting awards siya.

Noong March 14 ay nagwaging Best New Movie Actor si Rocco sa 28th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ten days later, noong March 24, ay nanalo naman siya sa kategoryang Breakthrough Performance by An Actor sa 9th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (EnPress).

Ang dalawang tropeo ni Rocco ay para sa pagganap niya sa kanyang debut film na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, na isa sa mga New Breed entries sa Cinamalaya film festival noong isang taon.

Ang mga napanalunan niyang awards daw ay naging dahilan para mas lalo siyang maging “motivated" sa kanyang trabaho.

Sabi ni Rocco, “Very motivated dahil nakausap ko ang mga taong talagang nagke-care sa akin, na sinasabihan ako na, ‘Pag nalaman ko na lumaki ang ulo mo, ako ang unang-unang susuntok sa ‘yo!’

“I had few people tell me that at nagpapasalamat ako na nagke-care sila sa akin, concerned sila sa akin.

“At sobra akong ganadong magtrabaho ngayon."

Saan nakapuwesto ang dalawang acting trophies niya?

“Sa divider namin sa bahay, katabi yung trophies ko sa StarStruck," nakangiting sabi ni Rocco.

Inaasahan ba niyang madadagdagan pa ang awards niya ngayong taon?

“Hopefully, with the projects I’m receiving now, magaganda yung feedbacks… sa Good Daughter, maganda yung feedback.

“I’m just hoping for the best.

“Kung ma-nominate, malaking honor na ‘yon para sa akin."

Ang The Good Daughter ang pinagtatambalan nilang afternoon soap ni Kylie Padilla sa GMA-7.

Nakausap ng PEP si Rocco sa thanksgiving presscon para sa Afternoon Prime block ng GMA-7 na ginanap nitong Martes ng gabi, March 27, sa Studio 6 ng GMA Network.

UNDER THE WEATHER. Ano naman ang reaksiyon ng mga kasamahan niya sa StarStruck sa back-to-back awards niya?

“First ten people—sila Enzo [Pineda], sila Steven [Silva], sila Mark Herras…

“Kaya haping-happy ako those two nights, makita ko yung mga bati sa akin ng malalapit kong kaibigan, nakakatuwa, nakakatuwa talaga. Sobra!

“Nung nakita ko yung texts nila Enzo, si Sheena [Halili] nag-congratulate sa akin, mga directors, mga kaibigan ko.

“So it’s really humbling na malaman na I have such good friends,'"saad ng ngayo'y award-winning actor na.

Yun nga lang, bagamat nasa alapaap pa rin ngayon ang kanyang pakiramdam dahil sa awards na napanalunan ay dinapuan naman ng sakit si Rocco.

Aniya, “Bumigay na yung katawan ko, may sakit ako ngayon. Wala akong boses.

“Medyo naapektuhan yung taping ko kahapon.

“Pero kumakain ako ng maraming oranges, mga vitamin C.

"At nagpapagaling para makapagtrabaho ulit."

Worried din ba ang rumored girlfriend niyang si Sheena na may sakit siya?

“Concerned siya… oo naman, oo naman.

“Pinapaalala niya yung mga gamot na kailangan kong inumin para ano… thoughtful lang naman si Sheena."

Dagdag pa ni Rocco, “Alam ko may mga injuries ako ngayon kaya hindi ako makapag-train sa Lam-ang.

“Pero nakakalimutan ko ‘yon at gusto kong maging perfect itong Lam-ang na ‘to kaya kahit anong sakit, titiisin ko para maging maganda itong film."

NUDITY IN FILM. Ang Lam-Ang ay ang pagsasapelikula ng epic Ilocano poem na 'Biag Ni Lam-ang.' Si Rocco ang gaganap sa title role.

Sa April 20 na ang simula ng shooting ng pelikulang ito.

Handa na ba ang katawan ni Rocco para sa Lam-ang, kung saan nakabahag lamang siya?

Ayon sa StarStruck V alumnus, “Hindi, ngayon tinigil ko muna pag-diyeta kasi bumagsak yung katawan ko, e. Nasira yung resistensiya ko.

“Binalik ko muna yung normal kong pagkain."

Pero handa na ba siyang magpakita ng puwet kung saka-sakali?

“Sige lang! Pakitaan na ng puwet ‘to!" sakay namang biro ni Rocco.

Pero ang sabi sa akin ni Direk Ana [Agabin], hindi naman masyadong revealing ‘to…

“Revealing, pero hindi pa kami nakakapag-costume fitting, e.

“Malamang, during the fight scenes, may makikita pa rin, pero okey lang naman ‘yon—para sa ikakaganda ng movie."

Hanggang saan ba ang kaya niya pagdating sa pagtanggap ng roles o sa mga eksenang gagawin niya? Handa ba siyang maghubad o gumawa ng nude scenes sa pelikula?

Nabanggit ng PEP kay Rocco na hindi naman porke’t may nude scenes ay nangangahulugan nang bold ang tema ng isang pelikula.

Ibinigay naming halimbawa ang 2011 Taiwanese film na You Are The Apple of My Eye na isang romantic-comedy film, kunsaan maraming nude scenes ang bidang lalake (Ko Chen-tung).

Ito ay dahil nakalakihan niya na nakahubad palagi siya kapag nasa loob ng bahay; kahit na sa harap ng kanyang mga magulang o kahit na nasa harap ng hapag-kainan o kahit na nag-aaral lang siya.

Ang Taiwanese film na ito ay nakakuha ng maraming nominasyon sa nakaraang Asian Film Awards, kung saan nanalo ang mga kababayan nating sina Eugene Domingo at Shamaine Buencamino.

Kaya ba ni Rocco na gawin ang ganitong klase ng role kung saka-sakali?

“Malaking challenge ‘yan, ha. Malaking challenge yung ganyan," napaisip na sabi ng young actor.

“I would say because I love this art, I love this craft, I love finding challenges for different kinds of characters, there may come a time na pag-isipan ko na gawin ‘yan… ganyang klaseng ka-daring.

“Kasi nga, just to experience different kinds of roles, I guess I would do it.

“Pero siyempre, nandiyan yung management, so madadaan sa matinding pag-uusap, kung magiging okay ‘yan.

“Pero ako, as much as possible, gusto kong gawin lahat, at the right time." -- Erwin Santiago, PEP

article source: gmanetwork.com