Showing posts with label Mark Herras. Show all posts
Showing posts with label Mark Herras. Show all posts

Sunday, July 1, 2012

Mark Herras on relationship with Ynna Asistio: 'Di na ganun kalaki yung selos


Pagkatapos ng "Hiram na Puso," ang afternoon soap ng GMA-7 na magtatapos na ngayong linggo, wala pang nakalinyang proyekto para kay Mark Herras.

Kaya naman daw balik workout muna ang young actor para mapanatili ang magandang hubog ng katawan niya.

“Siguro excercise lang, ‘tapos gym. Hindi naman yung magpalaki ng katawan – yung magpa-slim o magpaganda lang ng katawan.

“Ayoko na kasi pumayat. Kung anu-ano ang naiisyu sa akin na hindi naman totoo!” tawa ni Mark nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Yun 'yung plans ko this month and the following month after Hiram Na Puso, habang naghihintay pa ako ng proyekto.

“Tapos balik basketball, kasi hilig ko ring mag-basketball. And a lot of workshops.

“Of course, every Sunday pa rin naman akong mapapanood sa Party Pilipinas at guestings sa iba’t ibang shows ng GMA-7.

“Alam ko naman na hindi ako pababayaan ng GMA-7 at bibigyan nila ako ulit ng magandang proyekto katulad ng Hiram Na Puso."

Kung bigyan siya ng pagkakataong pumili ng susunod niyang proyekto, ano ang gusto niya?

“Given a chance? Ano ba... gusto ko kung puwede sa TV yung ginampanan ni Aga Muhlach na pelikula noon…. Hindi ko na maalala kung ano yung title, parang psycho killer siya – nagiging mabait at nagiging salbahe, parang ganon.

“Para sa akin kasi very challenging yung ganong klaseng role... 'yun yung gusto kong gampanan.

“O kaya action-comedy, para maiba naman sa mga roles na ginagawa ko na puro drama. Pero kung ano yung ibibigay nila sa akin, okay lang din sa akin.

“Sa akin naman kasi, ang mahalaga may trabaho. Kaya kahit anong project, okay lang sa akin.

"Hindi naman nila ako bibigyan ng project na hindi babagay sa akin.

“Kaya nga thankful ako sa GMA-7 dahil magagandang proyekto ang ibinibigay nila sa akin,” saad ni Mark.

Gusto rin daw ni Mark na makagawa uli ng pelikula.

“Oo naman, kasi yung ginawa ko na pelikula medyo matagal-tagal na, medyo nami-miss ko na… na makita yung sarili ko sa pelikula.

“Bale yung last na ginawa ko na pelikula yung semi-indie at semi-mainstream movie na 'Hitman' kay Kuya Cesar Montano."

“At sana soon mabigyan na ako.”

Meron pa ba siyang gustong makatrabaho sa mga leading ladies ng Kapuso network?

“Ako kahit sino, pero mas maganda 'yung magaang katrabaho, yung magandang makisama. Pero so far, hindi ako namimili.

“Kung sino yung ibigay nila sa akin, okay lang yun. Trabaho ang mahalaga.”

KRIS BERNAL. Ano ang pakiramdam na maghihiwalay na sila ni Kris Bernal na nakasama niya sa dalawang soaps ng GMA-7 – "Time of My Life" "at Hiram Na Puso"?

“'Yung trabaho naman natin dito sa network, hindi naman puwede na sasabihin mo sa itaas [management] na isa lang ang puwede mong maging partner, 'di ba?

“Katulad dati, 'di ba, na-stuck ako sa Mark at Jen [Jennylyn Mercado] love team.

“Then, unti-unti, ginagawa nila sa akin ng GMA, pina-partner nila ako sa iba’t ibang leading ladies.

“So, natutuwa ako kasi nabibigyan ako ng pagkakataong makatrabaho pa 'yung iba.”

Ano ang mami-miss niya kay Kris Bernal?

“Si Kris kasi masarap at magaan siya katrabaho kasi professional at magaling umarte. Mabait pa at walang kaarte-arte.

“Yon kasi ang maganda kasama sa work, yung mahal niya at dedicated sa trabaho. Nakakahawa at kailangang galingan mo.”

Nasabi ba ni Kris sa kanya na may crush ito sa kanya?

“Hindi niya sinabi, ewan ko diyan kung ano ang pinagsasabi niya!” natatawang sabi ni Mark.

“Pero honestly speaking, I’m flattered.

“If ever nga na crush niya ako, wala naman sigurong masama.

“Kasi humahanga lang siya and alam naman ni Kris kung gaano na kami katagal ni Ynna [Asistio, girlfriend ni Mark].”

YNNA ASISTIO. Hindi naman siya pinagseselosan ni Ynna?

“Before, pero tapos na yun, tapos na yung issue,” sabi ng young actor.

Pero alam ni Ynna na crush siya ni Kris?

“Hindi yata.”

Kumusta naman sila ni Ynna?

“We’re okey lalo na four years and five months na kami. Going strong yung relationship namin.

“After nung lahat ng issues, intriga na dumating sa amin, we’re still here, nandiyan pa rin siya.”

Wala naman silang selosan factor sa isa’t isa?

“Siguro sa 100 percent, siguro mga 20 percent na lang. Hindi na ganun kalaki yung selos.”

So mas secure na sila sa isa’t isa?

“Oo, mas secure na kami,” sagot ni Mark. PEP.ph

article source: gmanetwork.com

Sunday, June 10, 2012

Kris Bernal Relieved To Recover Stolen Bag

MANILA, Philippines --- Kapuso star Kris Bernal deems it a blessing that her stolen bag has been returned to her though without her driver’s licence and credit cards.

“Please, ibalik mo na lahat – di ako makapagmaneho!” she said in mock pleading tone at the party tendered for her by GMA Artist Center (GMAAC) on June 5.

Curiously, the bag, an expensive one, still contained her wallet when it was returned anonymously.

The minor setback could never mar the happiness Bernal has these days. Aside from the party – her first “big one” in five years since entering show business – her TV series “Hiram Na Puso” enjoys a huge following.

More, rumors have sprung that she and co-star Mark Herras are beginning to fall for each other – which would’ve been fine if he doesn’t have a girlfriend, Ynna Asistio.

“Kaya nga nung naging ganun ang labas, nagtext ako kay Ynna at nagsorry sa kanya sa mga balita. Inexplain ko na tuksuhan lang yun ng staff at ng ibang mga tao. Naintindihan naman niya at lalo akong humanga sa kanya,” Kris said.

But if there were no Ynna, will she fall for Mark?

“Mabait na tao si Mark, masipag. Pero sa ngayon ay talagang magkaibigan kami at ayaw naming lagyan yon ng kahit ano.”

She admitted that Mark has given her five Hello Kitty pillows for her birthday, but largely due to her “insistence.” Apparently, the two banter on the set during break time. The birthday gift, she said, was something she had chided Mark to give her.

“Closer na kami ni Mark ngayon compared to the time when we were doing ‘Time Of My Life.’ Dati kasi dun lang si Mark nakikipagkwentuhan sa mga boys while ako naman stay with the girls,” Bernal explained.

She quickly reiterated yet again that no romance brews between her and Mark and that she had even invited the couple to her bash. Kris said that Mark and Ynna begged off the last minute due to a family thing.

Asked what she wishes for the months ahead, Kris rattled off the expected.

“More endorsements, mas madaming magazine covers, more challenging roles…”

Though she did not reveal much detail, Kris disclosed that her next project on GMA-7 will reunite her with Aljur Abrenica, who was once rumored to have courted her.

source: mb.com.ph