Showing posts with label Cosmo Bachelor Bash. Show all posts
Showing posts with label Cosmo Bachelor Bash. Show all posts
Thursday, September 20, 2012
Hot men unite for the Cosmo Bachelor Bash 2012
Napuno ng nagguguwapuhan at matitipunong kalalakihan ang Cosmo Bachelor Bash nitong Martes ng gabi, September 18, sa World Trade Center.
Pinangunahan ito ng mga Cosmo Centerfolds na sina Alden Richards, JM de Guzman, Joseph Marco, Anthony at David Semerad, John James Uy, Markki Stroem, Mikael Daez, Ian Batherson, at John Spainhour.
Marami naman ang nadismaya sa hindi pagdalo ng cover boy na si Paulo Avelino.
Ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nasa U.S. daw ngayon si Paulo kasama ang cast members ng teleseryeng Walang Hanggan para sa Kapamilya Karavan.
Bandang alas-nuebe nang magsimula ang Cosmo Bachelor Bash 2012 na dinaluhan ng libu-libong kababaihan at maging mga bading.
Kabilang sa mga celebrities na namataan ng PEP sa loob ng World Trade Center ay sina Michelle Madrigal, Megan Young, Gwen Garci, Bubbles Paraiso, Ehra Madrigal, Divine Lee, IC Mendoza, Carla Humphries, at Rajo Laurel.
Bago lumabas ang 69 Cosmo bachelors ay ilang mga modelo muna ang rumampa, at ang iba naman ay sumayaw sa stage upang simulang painitin ang gabi ng mga manonood.
IT'S RAINING MEN. Nang lumabas na ang Cosmo bachelors ay napuno na ng hiyawan at tilian sa loob ng venue.
Sinimulan ito ng video footage ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga, na ipinapakitang unti-unting naghubad ng kanyang pang-itaas habang may ka-chat sa kanyang laptop.
Maya-maya pa ay lumabas na nga ang topless na si Daniel sa stage at ipinakita sa lahat ang kanyang matipunong pangangatawan.
Ilan pa sa mga hunks na sumunod sa kanya ay sina JC Tiuseco, Aaron Villaflor, Rocco Nacino, Enzo Pineda, James Blanco, Pancho Magno, Carlo Gonzales, at Jay Gonzaga.
Rumampa rin ang mga miyembro ng Philippine Azkals (national football team) na sina Aly Borromeo, Anton del Rosario, Simon Greatwich, Nate Burkey, at Jonah Romero.
Nandun din ang mga miyembro ng Philippine Volcanoes (national rugby team) na sina Andrew Wolfe, Eric Tai, Kenneth Stern, at Harry Morris.
Kabilang din sa rumampa ang surfer na si Luke Landrigan at ang ex-Pinoy Big Brother housemate at ngayo'y artista nang si Tom Rodriguez.
Sumunod namang rumampa ang aktor na si Baron Geisler, ang model-actor na si John Hall, at ang Brapanese models na sina Fabio Ide at si Hideo Muroaka.
COSMO CENTERFOLDS. Halos alas-onse na ng gabi nang isa-isang lumabas ang pinakahihintay na Cosmo centerfolds.
Naunang lumabas ang Kapamilya young actor na si Joseph Marco na nakadamit na pang-piloto at naka-shades. Pero agad din niya itong hinubad at ipinakita ang kanyang well-toned body.
Humugot pa si Joseph mula sa kanyang pants ng mga underwear kung saan naka-print ang kanyang pangalan at ibinato ang mga ito sa audience.
Magkasabay namang lumabas ang kambal na collegiate basketball players na sina Anthony at David Semerad.
Naka-Spiderman costume naman ang model-actor na si John James Uy nang lumabas sa stage. Unti-unti niya ring hinubad ang kanyang pang-itaas.
Tila magsu-swimming naman ang singer-model na si Markki Stroem nang lumabas na may nakapatong lamang na towel sa balikat at nakalagay pa ang goggles sa ulo.
Biglang inilagay ni Markki ang towel sa kanyang baywang at pagkatapos ay hinubad ang shorts na suot.
Maya-maya ay rumampa siya at inalis din ang towel kaya’t ang kanyang blue underwear na lamang ang naiwang suot niya.
Office attire naman with matching eyeglasses ang suot ng Kapuso actor-model na si Mikael Daez nang lumabas sa stage.
Unti-unti niyang hinubad ang suot na long-sleeve polo at mga accessories hanggang sa isang black sando top na lamang ang kanyang pang-itaas.
Dito na siya kumuha ng isang babae mula sa audience at pinaakyat sa stage. Game na game namang nakipagsayaw sa kanya ang babae. Maya-maya ay hinubad na rin ni Mikael ang suot na sando.
Isang pulis naman ang ginaya ng StarStruck alumnus na si Ian Batherson at wari’y hinuli niya ang isang babae mula sa audience at inakyat sa stage.
Sinayawan din ni Ian ang babae at maya-maya ay hinubad na niya isa-isa ang kanyang mga suot hanggang sa boxer shorts na lamang ang natira.
Kasunod na lumabas ang Century Tuna Superbods grand winner na si John Spainhour, na isa sa may pinakamagandang katawan sa mga centerfolds.
Isa naman sa pinaka-tinilian ay ang Kapamilya actor na si JM de Guzman. Isang masuwerteng babae ang inakyat at isinayaw niya sa stage.
Pang-pizza delivery boy naman ang suot ng Kapuso heartthrob na si Alden Richards nang lumabas sa stage. Naghubad ito ng kanyang top at pinunit ng konti ang kanyang pantalon nang rumampa sa stage.
Pagkatapos nito ay lumabas na sa stage ang lahat ng mga Cosmo bachelors para sa huling pagrampa nila. -- Kathleen Benavidez, PEP
source: gmanetwork.com
Monday, August 27, 2012
Mikael Daez says Cosmo Bachelor Bash 2012 will be last time he goes half-naked

Dahil sa bini-build up bilang isa sa mga leading men ng GMA-7 ang model-turned-actor na si Mikael Daez, mababawasan na raw ang pagpapa-pictorial niya nang sexy.
Aniya, kailangan na raw kasing wholesome ang image niya.
Gagampanan ni Mikael ang role na Carlos Miguel sa remake ng 2002 drama series na Sana Ay Ikaw Na Nga.
Si Dingdong Dantes ang unang gumanap ng role na ito.
Pakiramdam ni Mikael, may responsibilidad na siyang dapat gampanan at imaheng dapat ingatan dahil sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network.
“Actually, wala naman silang sinabing tigilan ko ang mga sexy pictorials,” sabi ni Mikael nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Sana Ay Ikaw Na Nga, sa Excess Super Club sa Timog, Quezon City, nung nakaraang Huwebes, August 23.
“They know for a fact na nagsimula ako bilang model on print, ramp, and commercial.
“Siguro ako na rin ang kusang magbabawas sa ganyan, kasi nga iba na ang pag-build up sa atin.
“Hindi naman tayo bini-build up as a sex symbol, kundi isang leading man sa isang drama series.
“So, it’s all up to me and my management kung ano ang mga next step na gagawin namin for this new image of mine.
“I know that it will be starting all over again.
“But if it will benefit me and my career now, ok lang na magsimula ulit tayo ng bagong image.
“Para lang bumagay sa mga ginagawa ko ngayon,” pahayag pa ng 24-year-old na binata.
Sexy photos
Hindi kaila sa lahat na maraming sexy photos ni Mikael ang nagkalat sa Internet.
Galing daw ang mga iyon sa mga ginawa niyang photo shoots para sa iba’t ibang photographers, designers, at products.
“Karamihan naman ay topless ako. Yun kasi ang gusto ng kliyente, e,” nakangiting sabi ni Mikael.
“Kailangan daw may ipakitang abs, muscles. Basta bentahe yung katawan talaga.
“Ok lang naman, because model naman ako and I’m just following instructions.
“Normal na working day iyon for any male model.”
Sa isang fashion show nga raw ay kinailangan niyang magsuot ng underwear at rumampa sa harap ng maraming tao.
“They were really short-shorts. But I guess, underwear na rin siya kung titingnan mo!” sabay tawa niya.
“Wala ka namang choice, e. You have to wear it kasi kasama iyon sa trabaho mo.
“Pero may suot naman ako sa upper body ko. So, hindi masyadong vulgar tingnan.
“So, I wore it and I walked out. Kailangan maging confident ka lang.
“Kung awkward ka, mahahalata iyon, e. Just walk like it’s a normal thing.”
Last time to see a sexy Mikael
Wala pang tiyak na date, pero tuwing pumapasok na ang mga huling buwan ng taon nagaganap ang Cosmopolitan Bachelor Party.
Ang wildly-received event, kung saan nagtitilian ang kababaihan at kalalakihan na rin sa mga nagrarampang mga lalaki, ay inii-sponsor Cosmopolitan Philippines, isang publication ng Summit Media, na siya ring naglalabas ng YES! Magazine. Ang Cosmopolitan Magazine ay edited by Myrza Sison.
Balitang kasama si Mikael sa rarampang 60 Sexy Bachelors.
Ani Mikael, ito na raw siguro ang huling pagkakataon na magpapakita siya ng katawan sa publiko.
“I really worked out for this event. I hit the gym almost every other day. I want to look good for this.
“Since this will be my last time that people will see me half-naked, itodo na natin, di ba?
“I want that night to be memorable para sa mga girls sa audience.”
Andrea to attend
Darating nga raw sa naturang event ang kanyang leading lady sa Sana Ay Ikaw Na Nga na si Andrea Torres.
“She will attend the event to show her support sa akin,” nakangiting sabi ni Mikael.
“First time niya yatang a-attend ng ganung event and she is clueless as to what’s going to happen.
“Sinabi ko naman sa kanya na mag-enjoy lang siya sa mga makikita niya!” natatawang sabi pa ng Kapuso hunk.
Surprise for audience
May naisip na ngang gimik si Mikael na gagawin niya sa stage para hindi siya malimutan ng female audience.
“It will be a surprise!” tawa uli niya.
“Lahat naman ng napiling bachelors, may iniisip na gimik nila, di ba?
“They show this, they hold that, and they throw something to the audience.
“I want to do something different, na alam kong hindi agad malilimutan ng mga tao roon.
“Something that they will talk about for a very long time!” pangako ni Mikael Daez. –PEP.ph
source: gmanetwork.com
Subscribe to:
Posts (Atom)