Saturday, October 13, 2012

Good News to the next level!


Mas pinasiksik, mas pinasigla at mas pinabongga! ‘Yan ang pangakong hatid ng Good News—ang programang nag-uumapaw sa good vibes.

Makichicka kay Vicky Morales at sa mga Good News girls na sina Bea Binene at Love Añover na may baong mga kuwentong siguradong magpapangiti at kikiliti sa inyong damdamin.Magaan ang buhay ‘pag may Good News!








ABANGAN ITO NGAYONG October 14, Linggo, 7:55 PM, sa GMA News TV.

Panata ng mga Artista
Ang mga kapuso celebrity, hindi lang guwapo't maganda, pati ang kanilang kalooban, may handog na kabutihan.  Alamin ang mga volunteer work na pinagkakaabalahan nila sa likod ng camera--mula sa pagpapatayo ng mga bahay para sa mahihirap hanggang sa pangangalaga sa kalikasan.  Siguradong mas hahangaan n'yo sila dahil sa kanilang espesyal na mga panata.

Hataw na sa Sitaw!
Ang sitaw, madalas na pa-extra-extra lang sa mga paborito nating ulam gaya ng kare-kare at sinigang, pero pwede rin pala 'tong maging bida! Siguradong matatakam kayo sa Japanese-inspired Sitaw Sushi, pati na rin ang Pinoy na Pinoy na Sitaw Sisig.  At kung naghahanap naman kayo ng panghimagas pagkatapos kainin ang mga ito, present din ang kakaibang Minatamis na Sitaw!

Mga D-I-Y na Panlinis!
Ang mga liquid hand soap, bleach at shampoo, hindi n'yo na kailangang bilhin at pagkagastusan. Sa tulong ng isang chemist, aalamin natin ang mga paraan kung paano gawin ang mga 'to sa sarili nating mga tahanan!  At ang dagdag good news, murang-mura ang kanilang halaga dahil ang mga sangkap, karamiha'y sa kusina lang matatagpuan!

Ano ang Good News Mo?
Kahit saan, kahit kailan, siguradong may good news kang matatagpuan.  Puwede itong isang tao, pangyayari, o kahit anong kuwentong masaya.  Inalam namin ang Good News ni Juan--mga positibong chikang mula mismo sa aming mga tagapanuod. Kaya naman mula ngayon, bukas na ang aming programa para sa mga Good News ninyo na aming mga tagasubaybay.

Best Kaldereta in the Metro
Ang katakam-takam na kaldereta, sa mga Espanyol pa raw nagmula!  Kaya naman isa ito sa mga paborito nating hinahanda.  Nilibot namin ang Maynila para tikman ang mga pinakapanalong bersyon nito--mula sa kalderetang may sili't gata hanggang sa kalderetang hinalo sa lasagna!  Alamin kung alin ang pinakamasarap sa tulong ng mga expert food blogger!

source: gmanetwork.com