Showing posts with label YOung Actor. Show all posts
Showing posts with label YOung Actor. Show all posts

Wednesday, July 31, 2013

Martin Escudero remains positive about his career sans manager


“Wala nang stress, walang nang kahit anong negatibo kaya kahit anong mangyari nabibiyayaan pa rin tayo ng Panginoon. Masayang-masaya ako kasi stress-free,” Martin Escudero stated as he greeted InterAksyon and other media during last week’s press launch of Yes! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars.

The young actor, who was among the Kapatid stars who made the list, was in the news a couple of months ago when he decided to leave former manager Popoy Caritativo after seven years.

“Yung pag-alis ko sa manager ko eh ‘yun ‘yung kinakailangan na talagang gawin. Hindi ko na inisip kung anong kalalabasan ng career ko. Basta ako nagtatrabaho ako ng maayos. Importante ang pamilya ko hindi mawawala,” he said.

Martin admitted in past interviews that the decision was born out of months of deliberation and consultations with people close to him and his family. Although he was vague about his reasons for leaving, he did hint at problems with trust and money.

“’Yung ibang dahilan na mas malalim siguro hayaan na lang natin na kami na lang yung nakakaalam kasi unang-una matagal nang tapos. Hindi na kailangan pang magsabihan ng kung ano-ano against sa isa’t isa,” he pleaded.

He was brave enough to admit however, that life without a manager is proving difficult.

“Mahirap po talaga kasi hindi namin na trabaho yun eh. Siyempre yung mga koneksyon manager lahat ang nakakaalam niyan pero sa ngayon suwerte pa rin kasi awa ng Diyos kasi ako ‘yung hinahanap eh kaya medyo nakaka-survive kami,” he said.

Still, Martin revealed that he is not in a hurry to get a new manager at the moment.

“Marami na kaming nakakausap pero inaantay pa namin na matapos yung contract ko sa 5 kaya minabuti na lang muna namin na saka na lang muna,” he said.

Martin’s contract with TV5 expires in January but he announced that he has projects lined up with his home network.

“May nabalitaan ako na malapit na rin mag-umpisa so sana kung loloobin ng Diyos na mangyari,” he said.

He is also starting on a new indie movie come September.

“Meron akong gagawin na indie pero bawal pa magsabi ng mga detalye. Strikto sila. May pinirmahan pa kaming contract na bawal magbigay ng detalye,” he said.

Although not limited to stereotypes during his time with his former manager, Martin revealed that he is willing to go bolder and more daring with his roles in the future.

“Sa tingin ko lahat naman pinagdadaanan yun eh pero sa tamang edad. Mahirap pilitin eh, baka maumay lang yung tao sa akin,” he said.

“May tamang timing na tinatawag. Basta para sa trabaho kung makakatulong, ayun ang isa sa mga pangarap ko na project na magawa,” he added.

source: interaksyon.com

Sunday, May 6, 2012

Derrick Monasterio looks forward to reuniting with his father in the US


Ngayong araw na ito, May 6, ang takdang alis ni Derrick Monastrerio pagpunta sa Amerika kasama ang iba pang cast ng The Road para sa pagpapalabas doon ng nabanggit na pelikula.

Bago nito, sinasamantala niya ang pagkakataon na tanggapin ang lahat ng alok na out of town shows para raw makaipon ng sapat na perang babaunin sa biyahe niyang iyon.

“Siyempre, kailangang may pambili ako ng pasalubong para sa pamilya ko at sa ilang kaibigan,” aniya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Si Sarah Lahbati ba, kasama sa listahan ng mga bibilihan niya ng pasalubong?

“Bawal po siyang pag-usapan!” sabay tawa ng young actor.

Bakit bawal pag-usapan si Sarah na dati ay maingay na napapabalitang nililigawan niya?

“Sabi po ng manager ko. Basta… huwag na lang daw po akong magsalita tungkol sa kanya.”

Pero magkaibigan pa rin sila ni Sarah?

“Opo,” matipid na sagot ni Derek.

May bago bang ila-loveteam sa kanya kaya pinagbabawalan siya na magsalita about Sarah?

“Wala naman.”

Bakit siya pinagbabawalan ng kanyang manager na pag-usapan siya?

“Wala lang. Basta… masaya po ang magiging experience namin sa US,” nangiting paglilihis ni Derrick sa pinapaksa ng usapan.

“Magkikita kami ng Dad ko roon. Yes!

“Sobrang tagal naming hindi nagkita. Mga four years din.

“Umuwi siya rito four years ago. Pasko ‘yon. Tatlong araw lang kaming nagkasama.

“So, excited ako na magkikita ulit kami. Baka po pumunta siya sa L.A. [kung saan may red carpet premiere ang The Road].

"Kasi kung ako ang pupunta doon sa kanila, malabo, e. Out of the way kasi.”

Busy raw sa trabaho at may iba na ring pamilya sa Amerika ang kanyang ama. Ito raw ang dahilan kung bakit bihira silang magkita.

Kilala ba niya ang mga kapatid niya sa ama?

“No. Hindi pa po kami nagkikita kaya hindi ko sila kilala.

“At saka mahirap kilalanin kasi English-speaking sila, e,” natawa ulit na biro ni Derrick.

“Okey lang sa akin kung halimbawa, kasama sila ng dad ko kapag nagkita kami. Kung ipapakilala niya, okey lang sa akin.”

Ano ang nami-miss niya sa Dad niya?

“’Yong pagiging sweet niya po. At saka pagiging galante,” sabay tawa na naman ng young actor.

“Nagpi-prepare nga ako ng mga ipapasalubong ko sa kanya. Bibigyan ko siya ng durian at saka ‘yong iba pang delicacies dito sa Pilipinas.”

One week lang daw ang ilalagi niya at ng iba pang cast ng The Road sa US Gustuhin man daw niyang mag-extend ng kanyang stay doon para makapag-bonding sila nang husto ng Dad niya, hindi raw pupuwede dahil kailangan agad niyang bumalik sa Pilipinas.

“Ang dami ko po kasing mami-miss na trabaho. Mas gusto ko pong mag-work kesa magbakasyon. Gusto kong samantalahin na marami akong trabaho.” — PEP.ph

source: gmanetwork.com