Showing posts with label Philippine Entertainment Portal. Show all posts
Showing posts with label Philippine Entertainment Portal. Show all posts
Saturday, September 29, 2012
Regine Reveals Ogie And Michelle Still 'Sweet' Towards Each Other
MANILA, Philippines - Regine Velasquez is among those fascinated with husband Ogie Alcasid's continued show of affection towards ex-wife Michelle Van Eimeren and vice versa.
“Sweet pa rin sila. Malambing sila sa isa’t isa and I know they love each other," said she to PEP.
But the singer-actress says she is far from being jealous as she deemed the attachment far from being romantic. "Para silang magkapatid," she had said.
She revealed that it is the exact same thing that Van Eimeren told her.
“Sabi niya, ‘I think Ogie and I used to be brother and sister before.’ Kasi that’s how they treat each other now—ang ganda ng relationship nila,” she disclosed.
The 42-year old admits she is quite proud of the ex-couple.
“Ang galing nilang dalawa kasi ‘yung transition, nagawa nila. Kasi ako, 'yung totoo, I have to deal with—sa sarili ko—kung saan ko ilalagay yung sarili ko sa pamilya na ‘yun, e," she said.
“Pamilya na 'yun before, tapos nawala, tapos biglang nandito na ako. So I have to deal with that. Pero si Ogie at si Michelle, ang galing. Naayos nila na nag-transition 'yung mga bata, na nag-asawa si Michelle, nag-transition na nandiyan na si Mark, pero tatay pa rin nila si Ogie. Ewan ko kung paano nila ginawa 'yun, pero ang galling nila," she added.
More than anything, Velasquez believes that both achieved such blissful rapport because, "they’re good parents."
“I think mas importante sa kanila ‘yung welfare ng mga anak nila," she said.
Not that the whole thing simply bloomed without effort.
“It took a while before it became like that. Pero lagi ngang sinasabi ng asawa ko na, ‘Talagang ginawa ni God na maging okay kami.’ Kasi 'yun ‘yung kailangan naming gawin," Velasquez related.
Velasquez and Alcasid, together with baby Nate, recently met up with Van Eimeren and Alcasid's two children with the former beauty queen, Leila and Sarah, in Singapore.
Van Eimeren's current husband, businessman Mark Murrow wasn't able to make it due to a previous commitment.
According to Velasquez, everyone had a grand time together especially as Nate proved quite an entertainer.
“They were so crazy about him,” Velasquez said.
“Tapos 'yung baby, pakitang-gilas naman sa dalawang ate niya. Sobrang bibo, talon nang talon, tuma-tumbling! Naloloka ako, sabi ko, ‘Anong nangyayari, bakit tuma-tumbling ‘yung anak ko?’ Ganun. Tapos salita nang salita… ganun nang ganun, nakakatuwa. Tawa nang tawa.”
According to Velasquez, Van Eimeren immediately took to Nate as well.
“Tuwang-tuwang-tuwang-tuwa si Michelle, tuwang-tuwa siya. Tapos nagpa-picture pa, ‘I need to have a picture with him—just me and him,’” she said.
Parting was not easy for all, Velaquez said.
“You know, every time we see each other, sila Michelle and of course 'yung girls ni Ogie, it’s always very hard to leave. Pati ako, it’s very hard for me. Kasi siyempre, we don’t really get to see much of each other. So, ‘pag nagkikita, kailangan maghiwalay, it’s always emotional.”
Yet Velasquez divulged that they already plan to see each other again this December.
“Kasi last Christmas, hindi ako nakapunta kasi nanganak ako. Si Ogie lang nagpunta nun. Actually, pinaplano namin ni Michelle—at saka kaming dalawa talaga ‘yung nagpaplano."
source: mb.com.ph
Thursday, June 21, 2012
Solenn Heussaff on possibility of being linked to Vic Sotto

Enjoy raw si Solenn Heusaff bilang karagdagang miyembro sa Dabarkads ng Eat Bulaga!.
Tungkol dito ang una niyang naikuwento nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas noong Linggo, June 17.
“Okay naman," masigla niyang pahayag.
“Enjoy ako kasi mabait silang lahat. ‘Tapos natututo ako ng Tagalog do’n.
“Mas better na ang Tagalog ko ngayon. Hindi pa masyadong fluent yet, pero baka in the long time...
“Pero at least ngayon, naiintindihan ako ng lahat. May mga malalim na Tagalog words na itinuturo sina Ruby [Rodriguez] at Julia [Clarete], ganyan.
“So, masaya talaga ako sa Eat Bulaga!."
Pero nag-a-adjust pa rin daw si Solenn kasi nasa pangalawang linggo pa lang siya sa pagku-co-host para sa toprating and longest-running noontime show on Philippine television.
“Right now, kapag may prompter or something, puwede kong mabasa in Tagalog.
“Pero ‘pag adlib-adlib, medyo Taglish pa ako!" nangiting sabi niya.
“Pero talagang silang lahat sa Eat Bulaga!, mabait sa akin. Parang pamilya silang lahat.
“So, kapag may newcomer, hindi sila ‘yong, ‘Ay, sino ‘yan?’ ‘Yong gano’n? Super welcoming silang lahat."
Ano ang naging reaksiyon ni Solenn nang malaman niya na magiging miyembro na rin siya ng Eat Bulaga! family?
“I was a bit nervous kasi alam ko puro Tagalog. ‘Tapos ‘yong show na ‘yan, more than three decades nang pinaka-watched na television show sa Philippines.
"Bata pa ako, may Eat Bulaga! na. So, I never thought that I will be in Eat Bulaga! ever!
“Pero ngayon na nando’n na ako, I’m super happy."
VIC SOTTO. Kapag may bagong female co-host na pumapasok sa Eat Bulaga!, hindi maiwasang intrigahin at i-link kay Bossing Vic Sotto.
“No one links me!" agad-agad na reaksiyon niya. “It’s just the press that makes something like that."
Hindi nga malayong maugnay siya kay Vic, lalo't balitang single na naman ito.
Maugong ang usap-usapan na break na raw ang TV host-comedian at ang rumored girlfriend niyang si Pauleen Luna.
“E, ako, may boyfriend!" sabay tawa ni Solenn patungkol sa kanyang boyfriend na si Nico Bolzico.
Hindi kaya i-connect ang pagpasok niya sa Eat Bulaga! sa rumored breakup nina Vic at Pauleen? May tsismis na nga recently nagselos daw sa kanya itong si Pauleen.
“A, no! That’s also some people are starting to talk about.
“Pero nag-usap kami ni Pauleen. And I said, ‘Ano ba ‘yan? Bakit may gano’n?’
“'Tapos, ‘Hindi ko alam baka para sa news lang,’" sagot daw ni Pauleen.
“So we know how showbiz is. There’s really a lot of tsismis-tsismis."
Paano nagri-react ang boyfriend niyang si sa mga pagkakataong may kung anu-anong intriga about her?
“Uhm, wala siyang paki. And I keep my private life private. So whatever happens in work, I take care of it."
Hindi ito nagtatanong kahit halimbawa ay may nali-link sa kanya?
“Hindi. Alam naman niya na gano’n talaga sa showbiz. At saka super-supportive siya. Gano’n din naman ako sa kanya."
NEW PROJECTS? Aside from Eat Bulaga!, ano pa ang mga bago niyang nakatakdang pagkaabalahan?
“May movie akong gagawin. In the talks na ang tungkol dito. Pero hindi pa ako puwedeng magsalita about it yet.
“Basta may dalawang movie ako this year. Isang love story, isang horror. Ako ang female lead," sabi niya.
Sino ang kanyang magiging leading man sa dalawang pelikulang inihahanda for her?
“Secret muna. Basta co-prod ito ng GMA Films at ng Regal.
“TV show? For now, ‘yong Fashbook [on GMA News TV] lang.
“At saka nga ‘yong Eat Bulaga! three times a week hanggang August, I think. ‘Tapos itong Party Pilipinas."
Choice ba niya na magpahinga muna sa paglabas sa mga drama series pagkatapos ng Legacy?
“Hindi. I’m waiting lang pa. Kapag merong bago, go ako." -- Ruben Marasigan, PEP
source: gmanetwork.com
Tuesday, June 12, 2012
Marian Rivera, ipinaliwanag kung bakit ‘di pa siya handang magpakasal
Sa ginawang panayam ng PEP Talk ng Philippine Entertainment Portal (PEP), ipinaliwanag ng Kapuso Primerime Queen na si Marian Rivera ang dahilan kung bakit hindi pa sila handang lumagay sa tahimik.
Sa naturang panayam, sinabi ni Marian dahil naniniwala siyang kailangang maging buo muna ang pagkatao ng isang tao bago pumasok sa lifetime commitment.
“Kapag sinabi kong, ‘Oo, gusto kong ikasal,’ ibig sabihin, kailangan buo ‘yong pagkatao ko. Hindi lang, ‘ay! love ko siya! Ay! kasal na tayo!’ Hindi," paliwanag ng aktres sa PEP Talk, ang kauna-unahang online showbiz talk show sa bansa.
Iginiit niya na magpapakasal lamang siya kapag buo na ang kanyang pagkatao at kapag handa na siya sa mga maaaring kahinatnan ng pagiging maybahay.
“Sa ngayon masasabi ko na mayroon pang kailangan na mabuo kay Marian Rivera para maging wife," pahayag niya.
Bukod dito, naniniwala rin ang Primetime Queen na hindi edad ang dapat maging basehan ng pagmamahal.
Nasa 30’s na ang nobyo ni Marian na si Dingdong Dantes. Samantala, nasa late 20’s naman ang Kapuso actress.
“Wala naman sa edad ‘yan, e. May mga bata nga ikinakasal na 18 years old, pero matured. May mga ikinakasal na 35 years old, pero hindi nagwo-work ang relationship. So, nasa pagkatao ‘yan," ayon kay Marian.
Wala naman daw particular tema ng kasal na naiisip si Marian.
"Siguro kahit dati pa, isa lang ang pangarap ko na wedding — basta sa church. Kahit ano pa ang suot ko diyan, basta ang gusto ko sa simbahan," aniya.
Sa kabila nito, hindi naman daw kailangang mabahala ng mga ‘Marianknights’ (Marian Rivera fans) dahil hindi niya iiwan ang showbiz kahit na ikasal na siya.
"Ay, hindi mangyayari ‘yan. Mahal ko ang trabaho ko. Dito ako nakilala. Dito ako minahal ng tao kung sino talaga ako.Hindi mawawala sa dugo ko ang pag-arte at pagsasayaw," pagtiyak ni Marian. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

Subscribe to:
Posts (Atom)