Tuesday, September 11, 2012
Zac Efron, gustong matikman ang mga pagkaing Pinoy gaya ng ‘adobo’
Tiyak na magiging mainit ang bansa sa darating na Setyembre 29 sa pagdating sa Pilipinas ng Hollywood hottest A-lister na si Zac Efron.
Pupunta ang sikat na aktor sa Manila para sa kanyang fan conference na gaganapin sa Mall of Asia Arena na handog ng isang clothing line na ini-endorso niya.
“Well, first of all this [event] is an amazing, amazing excuse to go to the Philippines. I have always wanted to visit the Philippines. My dad has been telling me great stories about it," sambit ni Efron sa isang pahayag.
Matagal na raw gustong bumisita ni Efron ang bansa at matikman ang mga pagkaing Pilipino.
“My father has been to the Philippines several times, so I’ve always wanted to visit and try the local dishes like adobo," pahayag nito.
Samantala, patok naman daw para sa Hollywood actor ang maging endorser ng Penshoppe, dahil nagustuhan raw nito ang pilosopiya ng clothing brand na "Filipinos, for Filipinos."
“I think the brand is cool and casual. You see, I am a very casual dresser so this partnership fits me perfectly," saad nito.
Ang Penshoppe ang kauna-unahang clothing endorsement ni Efron.
Ang iba pang kilalang endorser ng naturang clothing brand ay sina Ian Somerhalder, Mario Maurer, Ed Westwick, at Leighton Meester. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News
source: gmanetwork.com