Friday, June 29, 2012
Heart Evangelista: 'I really want to be in a relationship that leads to getting married'
Ilang buwan na ang nakalipas mula nang huling may kasintahan ang Kapuso actress na si Heart Evangelista at sa ngayon, gusto nito na ang susunod na makarelasyon ay ang lalaking mapakakasalan niya.
"I'm 27, and by this time I'd rather be alone than be with a person that I'm not gonna end up with. And I really want to be in a relationship that leads to getting married," wika ng aktres sa panayam ni Mel Tiangco sa "Powerhouse" ng GMA News TV nitong Martes.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit nagkahiwaly si Heart at ng huli nitong nakarelasyon na si Daniel Matsunaga.
Kwento ni Heart na bagama't may magaganda ang mga katangiang taglay ni Daniel, hindi pa rin siya ang lalaking para sa kanya.
Aniya, "Oh, he's a good guy, but because it's the cultural differences... And he's a really nice guy. He's Christian, his family is wonderful, but it's just, hindi, eh. "
Dumating na nga sa yugto ng buhay si Heart na gusto na nitong magkapamilya.
Gayunpaman, sinalaysay rin ni Heart ang naging relasyon nila ng kanyang dating kasintahan na Jericho Rosales.
Si Echo (palayaw ni Jericho) ang pinakanagtagal na karelasyon ni Heart. Tumagal ito ng tatlong taon at tila ang pinaka maingay sa lahat.
Ito ang relasyon na nag-iwan kay Heart ng malalim na sugat, lalo na nang balutin ito ng isang masakit at malaking kontrobersiya.
Sa kanilang relasyon, naging balita noon na nagpalaglag di-umano ang aktres.
"That's what they said, but that's a lie. That was one thing I wanted to prove to my parents na I wouldn't end up like that. And if I did get pregnant I would definitely get married and have a family which is always what I wanted," saad niya.
Ayon pa sa Kapuso actress, naging black propaganda ang naturang balita dahil hindi sila magkasundo ng kanyang mga magulang noong mga panahong iyon.
Wika pa nito, "And it's the first time I fell in love and just the idea of separation with your parents, you know, going against them, and this abortion thing, oh wow! and then I went pa to Hawaii and really it was perfect."
Gayundin, kinuwento rin ni Heart na ang mga dati nitong nakarelasyon ay dumating sa kanya sa maling pagkakataon.
Sa katunayan, may natutunang magandang leksyon si Heart mula sa mga sakit na naranasan niya sa kanyang mga nakarelasyon.
Aniya, "If you know that you're a good person, then you're fine. If you know that you have a good relationship with God (even) if all these things are happening, then you're fine." — Mac Macapendeg/ELR, GMA News
source: gmanetwork.com