Thursday, September 6, 2012

Jessica Sanchez, nagtanghal sa Democratic National Convention


Tuluy-tuloy na ang pagsikat ng American Idol Season 11 1st runner-up at recording artist na si Jessica Sanchez.

Maliban sa kanyang paparating na solo album, muling ipinamalas ni Jessica ang kanyang galing sa pag-awit nang magtanghal siya sa 2012 Democratic National Convention nitong Miyerkules (Huwebes sa Pilipinas) sa Charlotte, North Carolina.

Suot ang kanyang blue sequined peplum top, tinanghal ni Jessica ang awiting “All I Need To Get By” kasama ang God’s Appointed People Choir, ayon sa Rickey.org (video link).

Samantala, nagpasalamat ang mang-aawit para sa pagkakataong mapasama sa naturang event.

Ayon kay Jessica sa kanyang opisyal na Twitter account, "Thank you so much for having me @demconvention. It was an honor to perform tonight!"

Maliban dito, nagpasalamat din ang mang-aawit sa Gods Appointed People Choir na kasama niyang nagtanghal.


"Special thanks to Gods Appointed People Choir @inspirethefire. It was honor to share the stage with you tonight," saad niya. — BM, GMA News

source: gmanetwork.com