Wednesday, September 5, 2012

Christopher de Leon to run for Congress in 2013 elections


Hindi lingid sa kaalaman ng marami na plano ni Christopher de Leon na tumakbo bilang congressman ng lalawigan ng Batangas sa susunod na halalan sa Mayo 2013.

Ang aktor ay kasalukuyang nagsisilbing senior board member ng Sangguniang Panlalawigan o Provincial Board ng ikalawang distrito ng Batangas.

Ang pagtakbo ni Christopher—o “Boyet" sa kanyang mga malalapit na kaibigan—ay nabanggit na rin ni Batangas Governor Vilma Santos sa nakaraang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sinabi ni Governor Vi sa interview na nagsabi na sa kanya si Boyet na nagbabalak itong tumakbo bilang congressman sa 2013 elections.

Parehong kabilang sa Liberal Party sina Governor Vi at Boyet, na isa rin sa itinuturing na pinakasikat na tambalan sa Philippine showbiz.

Sa press conference ng ikatlong yugto ng GMA-7 primetime series na Luna Blanca nitong Martes, Setyembre 4, sa Imperial Palace Suites, Tomas Morato, Quezon City, hindi itinanggi ni Boyet ang intensiyon niyang tumakbo bilang 2nd District Batangas representative.

Bagamat ayaw pa niyang magbigay ng detalye bago ang kanyang pormal na paghahain ng kandidatura sa unang linggo ng Oktubre, sinabi ng aktor na pabor sa kanya ang resulta ng survey.

Matatandaang unang tumakbo si Christopher bilang representative ng ikalawang distrito ng Batangas noong 2007 ngunit natalo. Sinubukang muli ng aktor ang kanyang kapalaran sa pulitika nang tumakbo siya bilang board member ng Batangas noong 2010, at sa pagkakataong ito ay nagtagumpay na siya.

Sa nakaraang dalawang taon ng pagiging public servant niya, naging isa sa mga prayoridad ni Boyet ang kalikasan.

Kuwento ng actor-politician sa PEP, “Yun ang ginagawa ko ngayon. I do mga resolutions, ordinances.

“I’m coming up with the first environmental code of the province of Batangas."

Isusumite raw niya ito sa susunod na Miyerkules, Setyembre 12.

Pinangungunahan ni Boyet ngayon ang Provincial Environment Committee na tumututok sa mga problema sa polusyon sa tubig at hangin.

Binanggit ng actor-politician na talagang hiniling niyang pamunuan ang environment committee.

“It’s closer to God. I mean, taking care [of the environment], being stewards to God’s creation," wika nito.

Balak ni Boyet na mas “diinan" pa ang ang mga proyektong pangkalikasan sakali mang tumakbo at manalo siya sa susunod na taon.

“It is a national concern, e. But I will focus on Batangas."

ON POLITICS. Nang tanungin ng PEP kung dumarating ba talaga sa punto ng career ng isang artista ang desisyong sumabak sa pulitika, ito ang unang sinabi ni Boyet: “Serve."

Paliwanag niya, “The actors are very ano, e, very… Well, one is we are influential, yes. We are all known.

“[But] not all actors can be that, but it’s… we also deal with more people often, with the fans. So, we just extend that a little.

“And then you reach out to the people, ask people what they need, and [eventually] help in your own small way."

Nabanggit din ng aktor na ang pagpasok sa pulitika ay paraan upang mas lumawak ang kanyang kaalaman.

“You learn more, you learn a lot.

"Aside from the people, aside from the needs of the people, you learn more about the law.

“You study about the law, you learn about the process, how to preside over meetings, learn how to make a resolution, ordinance.

"And that’s fun, that’s fun… it’s really fun!

“I mean, it’s a different horizon. At the same time, you deal with people—magaling kami diyan!" natatawang sabi ni Boyet.

Nabanggit din ng aktor sa PEP na hindi niya planong pumasok sa pulitika noon. Sumagi lamang ito sa isip niya nang alukin siyang tumakbo.

“It [just] rubbed in when they offered me. And then there’s what you call a… political bug that rubs on you.

“You look for it. I don’t know what it is. It’s more of ‘Will I win?’ It’s more of a challenge."

Handa raw ang loob ng aktor sa mga posibleng mangyari sa muli niyang pagtakbo.

“Hopefully, if God willing...

“If this doesn’t push through, it’s okay.

"But since they’re ready, I might as well grab it… take the opportunity."

Ang kasalukuyang kongresista ng second district ng Batangas ay si Hermilando “Dodo" Mandanas, na tumalo kay Boyet noong 2007 elections.

Nasa ikatlo at huling termino na si Mandanas kaya hindi na sila magkakalaban ni Boyet sakaling tumakbong kongresista ang aktor sa 2013.

Ilan sa mga dating naging kongresista sa naturang distrito ay ang mag-amang Hernando "Nani" Perez (1987–1992; 1992–1995; 1995–1998) at Francisco Perez (2001-2004). -- Abby Mendoza, PEP

source: gmanetwork.com