Si Roredo at ang dalawang piloto ng Piper Cessna plane na bumagsak sa karagatan ng Masbate Sabado ng hapon ay nawawala pa rin.
Sa panayam sa dzBB, sinabi ni retired General Darius Tuazon, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng Masbate, ang mga diver ay mula sa pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP), Philippine Army at dalawa mula sa lokal na pamahalaan ng Milagros, Masbate.
Nasa lugar na rin ng binagsakan ng eroplano ang mga bangka ng Philippine Coast Guard, Philippine Navy at ang iba ay mula sa mga lokal na pamahalaan, ayon kay Tuazon.
"Wala pa kaming maibalita sa ngayon," sagot ni Tuazon sa tanong kung may impormasyon na sila sa kinaroonan ni Robredo.
Matatandaang pansamantalang nahinto noong Sabado ng gabi ang search and rescue operations dahil sa kakulangan ng mga rescuer ng mga kagamitan para sa madilim na pagsisid sa karagatan.
Ang taning makaligtas sa aksidente ay ang tauhan ni Robredo na si Police Senior Inspector Jhun Abrasado. — LBG, GMA News
source: gmanetwork.com