Wednesday, May 9, 2012

Mother's Day adventure sa Sagada sa 'Weekend Getaway'

Isang kakaibang Mother’s Day adventure ang magaganap ngayong Bieyernes kasama ang gorgeous guest host na si Luane Dy,at ang cool na cool na mag-inang sina Vene at Nico Rallonza. Ang kanilang Weekend Getaway:Sagada!
Matatagpuan ang Sagada sa bulubundukin ng Mountain Province. Isa ito sa itinuturing na pinakamagandang manmade wonders of the Philippines.
Humigit-kumulang sampung oras ang layo nito mula sa Maynila pero sulit naman ang biyahe dahil dito lang makikita ang kabigha-bighaning Rice Terraces.
Napasabak agad ang mag-inang Weekend Warriors sa lakaran sa pagpunta nila sa bagong tourist attaction ng Sagada, ang Blueberry Picking Trail. Dito namitas si Vene at Nico ng wild blueberries habang pinagmamasdan ang kagandahan ng bulubundukin ng Sagada. Binisita rin nila ang nakakapanindig-balahibong hanging coffins at Lumiang Burial Caves at matiyagang inakyat ang Marlboro Mountain. Bago pa man matapos ang kanilang Sagada adventure, sinilip nila ang loob ng isang tradisyunal na bahay ng Ifugao at sinubukang gumawa ng pottery.
Sa isang pambihirang pagkakataon, masuwerte ring naki-party ang mag-inang warriors sa isang tradisyunal na kasalan kung saan nakipagsabayan sa courtship dance si Mommy Vene. Siyempre pa, hindi mawawala sa lakad ang kainan kaya naman sinampolan nila ang kakaibang cuisine ng dinarayong kainan sa Sagada, ang Log Cabin.
Sa gitna ng kanilang cultural exposure, hindi naman mawawala ang challenging Travel Missions: ang pagbalot ng mountain tea leaves, ang paghahanap ng tutugtog ng ethnic musical instruments at pagsusulat ng tula gamit ang wikang Kankanaey.
Huwag palampasin ang espesyal na Mother’s Day episode ng Weekend Getaway sa Sagada kasama ang maalindog na si Luane Dy, sa Biyernes na, 10PM sa GMA News TV.

source: gmanetwork.com